Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UniTeam resumes Covid19 assistance operations; volunteers to distribute meds and facemask to NCR hospitals

Press Releases
4 January 2022

With Metro Manila once again placed under Alert Level 3 amid the continued threat of the Omicron Covid19 variant, the BBM-Sara UniTeam was quick to resume Covid assistance operations, directing their volunteers to distribute medicines and face masks to hospitals in the metropolis.

Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and his running mate Davao Mayor Sara Duterte today (Tuesday) ordered an inventory and repacking of their supplies in their national headquarters for immediate distribution.

“Napaghandaan na natin ang ganitong sitwasyon o ang posibleng pagtaas muli ng kaso sa Covid19, kaya may imbak pa rin tayo ng mga facemask at mga gamot galing sa ating mga taga-suporta,” a statement from the UniTeam said.

The tandem wants to prioritize the protection of frontliners since they are key to ensuring the health of the public.

The UniTeam said they are just resuming the Covid operations which they have already started doing, albeit separately, even before the pandemic affected the country in 2020 which is why there are available supplies and their volunteers already know what to do in the face of the renewed threat of a new variant.

The National Capital Region and its neighboring provinces have been placed under the stricter Alert Level 3 from January 3 to January 15 due to the pronounced increase in cases and the three confirmed local cases of the Omicron variant.

In line with this, the UniTeam reminded the public to strictly comply with health protocols and continue to guard against the coronavirus.

The tandem also called for a strengthened national vaccination program since vaccines are still the best defense against the Covid virus.

“Bakuna pa rin ang pinakamabisang sandata, kaya tayo ay nananawagan na magpabakuna na ang lahat ng mga hindi pa nababakunahan,” they appealed.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM PINAKILOS ANG VOLUNTEERS PARA MAGPAKALAT NG MGA GAMOT AT FACEMASK SA MGA OSPITAL SA NCR

KASUNOD ng patuloy na banta ng Omicron variant ng Covid19 at pagsasailalim sa Metro Manila sa Alert Level 3, agad pinakilos ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang mga volunteers para mamigay ng mga gamot at facemask sa mga ospital sa NCR.

Nitong Martes, agad ipinag-utos ng tambalan nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ang pag-iimbentartyo ng kanilang supply ng gamot at facemask sa kanilang national headquarters para agad maipakalat sa mga ospital.

“Napaghandaan na natin ang ganitong sitwasyon o ang posibleng pagtaas muli ng kaso sa Covid19, kaya may imbak pa rin tayo ng mga facemask at mga gamot galing sa ating mga taga-suporta,” ayon sa pahayag ng BBM-Sara UniTeam.

Pinasisiguro naman ng BBM-Sara UniTeam na dapat ay prayoridad ang mga frontliner na mabibigyan ng proteksyon dahil importante na maayos ang kanilang kalagayan para masigurong ligtas ang lahat.

Giit pa ng UniTeam ito na rin ang ginawa nila noong bago pa pumasok ang pandemya noong 2020 kaya nakakasa na ang kanilang volunteers at alam na ang kanilang mga gagawin katulad ngayon na may panibagong banta sa pagtaas ng kaso sa corona virus.

Inilagay ang Metro Manila sa mas istriktong Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang 15 dahil sa kapansin-pansing muling pagtaas ng kaso ng Covid19 at matapos ding may makumpirmang tatlong kaso ng Omicron variant sa bansa 

Kasabay nito, pinaalalahanan na rin ng BBM-Sara UniTeam ang publiko na patuloy pa ring sumunod sa mga health protocol at panatilihin pa rin ang pag-iingat sa corona virus.

Nanawagan din ang UniTeam na patuloy pang palakasin ang pagbabakuna sa publiko dahil ito pa rin ang pinakamabisang sandata laban sa Covid19.

“Bakuna pa rin ang pinakamabisang sandata, kaya tayo ay nananawagan na magpabakuna na ang lahat ng mga hindi pa nababakunahan,” ayon sa UniTeam.

-30-