Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam prods IATF on guidelines for expanded home care for mild Covid patients

Press Releases
7 January 2022

THE BBM-Sara UniTeam has called on the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) to issue guidelines for the expansion of home care for COVID-19 patients with mild cases at the soonest time possible.

Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and his running-mate Davao City Mayor Sara Duterte made the call amid reports that the healthcare utilization rate in Metro Manila is nearing moderate risk due to the recent increase in Covid19 cases driven by both Omicron and Delta variants.

The tandem warned that preventive measures should be immediately undertaken to prevent overwhelming the country’s health care system especially as public and private hospitals in Metro Manila are already feeling the spike in the number of cases with healthcare workers also among those being infected with Covid19.

“With experts saying that the National Capital Region is expected to break records, recording to as high as 20,000 daily cases, we have to do something immediately to prevent our hospitals from being overwhelmed. Mas mahihirapan tayo kung marami sa mga ospital ang magsasara temporarily dahil marami sa mga staff nila ang nainfect dahil sa exposure sa mga cases,” they said.

The duo noted that the IATF should immediately act on the Department of Health’s proposal to issue guidelines for home care for mild cases that will be subject to monitoring by Barangay Health Emergency Response Teams since this will prevent the choking of hospitals.

“Makakatulong ito ng malaki para hindi mapuno ang ating mga ospital, lalo’t lumalabas na mas mild ang mga kaso ng Omicron kumpara sa Delta variant although mas mabilis nga lang itong makahawa. Nananawagan din kami sa ating mga kababayan na ibayuhin ang pagsunod sa mga health protocols at iwasan ang paglabas-labas ng bahay hangga't maaari,” they said

The DOH reported that it is monitoring the healthcare utilization rate in Metro Manila which is nearing moderate risk with a 50 to 70% threshold of utilization rate of the healthcare capacity.

Some hospitals in Metro Manila have already announced the closure of some of their services due to the surge in Covid19 cases, while others have noted longer waiting time for seeking medical consultation in their emergency rooms due to the influx of patients.

The National Kidney and TranspIant Institute announced that it will close its outpatient services starting January 7, Friday, until further notice. The Philippine General Hospital will be closing its maternity ward for two days amid a surge in Covid-19 patients and a shortage of hospital staff.

The Gat Andres Bonifacio Medical Center in Manila was earlier prompted to temporarily stop accepting services in its emergency room and laboratory after 50 staff tested positive for the virus.

The Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium in Caloocan City, one of the COVID hospitals, also closed its outpatient department and emergency room services to convert them into Covid wards as their cases rose from 25 to 163 after the New Year. Some 26 personnel were also found positive for Covid19.

The Ospital ng Malabon was also placed on lockdown from Jan. 2 to Jan. 4 after 19 of its employees tested positive for the virus. Covid cases in the hospital also more than doubled, from 100 before Christmas to 240 active cases as of this week.

Meanwhile, St. Luke's Medical Center has announced that it is experiencing a surge of patients both in its Quezon City and Global City branches hence ER queues for Covid-19 cases are taking longer than usual.

The Lung Center of the Philippines also announced that almost half of the dedicated beds for Covid19 patients are now occupied. Cardinal Santos Medical Center in San Juan City also noticed an increase in the demand for Covid testing in its facility after the holiday season.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM HINIMOK ANG IATF NA BUMUO NG MGA ALITUNTUNIN PARA SA MGA PASYENTENG NAKA- HOME QUARANTINE

HINILING ngayon ng BBM-Sara UniTeam sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), na maglathala ng mga alituntunin sa lalong madaling panahon para sa pagpapalawig ng pangangalaga sa mga pasyenteng nasa bahay na may mild COVID19.

Ang panawagan ay ginawa ni presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at kanyang running mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ay sa gitna ng mga ulat na ang healthcare utilization rate sa Metro Manila ay sumampa sa moderate risk dahil sa muling pagtaas ng mga kaso ng Covid19 na dulot ng Omicron at Delta variants.

Anila dapat gumawa ng agarang preventive measures upang maiwasan ang labis na pasanin sa healthcare system ng bansa dahil ang mga pampubliko at pribadong ospital sa Metro Manila ay nakakakita na ng pagtaas ng bilang ng mga kaso, kung saan ang mga healthcare worker ay kabilang sa mga nahawaan ng Covid19.

“With experts saying that the National Capital Region is expected to break records, recording to as high as 20,000 daily cases, we have to do something immediately to prevent our hospitals from being overwhelmed. Mas mahihirapan tayo kung marami sa mga ospital ang magsasara temporarily dahil marami sa mga staff nila ang na-infect dahil sa exposure sa mga cases,” ayon sa UniTeam.

Sinabi ng dalawa na dapat mabilis na tumugon ang IATF sa kahilingan ng Department of Health (DOH) na maglabas ng mga alituntunin para sa pangangalaga ng mga pasyenteng nasa bahay na may mild cases at sasailalim sa monitoring ng Barangay Health Emergency Response Team, dahil maiiwasan nito ang pagsisikip sa mga ospital.

“Makakatulong ito ng malaki para hindi mapuno ang ating mga ospital, lalo’t lumalabas na mas mild ang mga kaso ng Omicron kumpara sa Delta variant although mas mabilis nga lang itong makahawa. Nananawagan din kami sa ating mga kababayan na ibayuhin ang pagsunod sa mga health protocols at iwasan ang paglabas-labas ng bahay hangga't maaari,” sabi pa ng dalawa.

Iniulat ng DOH na mahigpit nilang binabantayan ang healthcare utilization rate sa Metro Manila, na papalapit sa intermediate danger na may 50 hanggang 70% utilization rate ng healthcare capacity.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid19, ang ilang mga ospital sa Metro Manila ay nag-anunsyo na ng paghinto ng ilan sa kanilang mga serbisyo, habang ang iba ay nag-ulat ng mas mataas na oras ng paghihintay para sa medical consultation sa kanilang mga emergency room.

Halimbawa, ang National Kidney and Transplant Institute ay nagpahayag na ang mga outpatient services nito ay titigil ngayong Biyernes, ika-7 ng Enero.

Isasara ang maternity unit ng Philippine General Hospital sa loob ng dalawang araw dahil sa pagtaas ng mga pasyente ng Covid19 dahil sa kakulangan sa mga tauhan.

Matapos magpositibo sa virus ang 50 empleyado, napilitan ang Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Maynila na pansamantalang ihinto ang mga serbisyo sa emergency room at laboratory nito.

Ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital at Sanitarium sa Caloocan City, ay isinara rin ang mga serbisyo ng outpatient at emergency room nito upang gawing Covid wards matapos tumaas ang bilang ng mga kaso mula 25 hanggang 163 pagkatapos ng Bagong Taon. May kabuuang 26 katao ang nagpositibo sa Covid19.

Isinailalim din sa lockdown ang Ospital ng Malabon mula January 2-4 matapos magpositibo sa virus ang labing siyan (19) na kawani nito. Ang bilang ng kasalukuyang kaso ng Covid sa ospital ay dumoble din, mula 100 bago ang Pasko ay naging 240 ngayong linggo.

Samantala, sinabi ng St. Luke's Medical Center na ang mga ibang pasilidad nito sa Quezon City at Global City ay nasaksihan ang pag-angat ng bilang ng mga pasyente, na nagdulot ng mahabang oras ng paghihintay sa ER para sa mga kaso ng Covid19 na mas madami kaysa karaniwan.

Inihayag din ng Philippine Lung Center na halos kalahati ng mga kama para sa mga pasyente ng Covid19 ay napuno na. Kasunod ng kapaskuhan, nakita ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City ang paglaki ng demand para sa Covid testing sa kanilang mga pasilidad.

-30-