Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam pledges for the reconstruction of VisMin communities damaged by ‘Odette’

Press Releases
2 January 2022

WHILE supporters of the BBM-Sara UniTeam are still busy in their massive relief operations, former senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Sunday assured the victims of Typhoon Odette in Visayas and Mindanao that he will help them rebuild their damaged communities.

Marcos said he sympathizes with the people who lost their homes and his main concern at the moment is to help them get back on their feet.

“Pangako ko sa inyo na magkakaroon tayo ng reconstruction, lahat ng tulong na kailangan ibibigay natin. Huwag kayong mawalan ng pag-asa at huwag panghinaan ng loob dahil maraming tao ang laging handang tumulong sa inyo,” said the former Ilocos Norte governor.

He also thanked all the volunteers and donors who responded to his earlier call to immediately deliver aids to the typhoon victims.

“Nakapagdala na kami ng relief goods sa ibat’ibang lugar pero naiba ng kaunti dito sa Palawan because ang pangangailangan eh dati yung pagkain. Nagdala kami ng bigas. Nagdala kami ng pagkain, tapos tsinelas. Tapos ang hinihingi ngayon is construction materials para maayos ng mga tao yung mga bahay nila kaya iyon ang pagsikapan naming maibigay pagbalik dito,” Marcos continued.

While the arrival of the ship carrying the aids to the typhoon victims in Palawan was a little bit delayed due to inclement weather, Marcos explained that it didn’t hinder his plans and commitment to bring in the necessary construction materials in an effort to help those who were displaced during the typhoon.

Meanwhile, Davao City Mayor Inday Sara Duterte guaranteed that the distribution of relief goods in the affected areas will continue, including the construction materials which the UniTeam hopes to start pouring in.

“Nagbigay tayo ng bigas at cash po para sa Puerto Princesa City, provincial government ng Palawan, at sa iba’t-ibang probinsya. Iba’t iba po yung sources ng ating donation. Meron pong galing sa mga governors. Meron galing sa provincial government ng Davao Occidental. Galing sa city government of Davao, galing sa Lakas-CMD at galing (kay) Bongbong Marcos,” the presidential daughter said.

In closing, Inday Sara said that the BBM-Sara UniTeam will do “our best to help you get by in your most trying moments and will always pray that we rise with our heads held high from this adversity.”

(30)

FILIPINO VERSION

BBM-Sara UniTeam tutulong sa pagtatayo ng mga sinirang bahay ni ‘Odette’ sa VisMin

HABANG abala ang BBM-Sara UniTeam sa malawakang relief operations, tiniyak naman ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na tutulong din sila upang unti-unting maitayo ang mga nasirang tahanan ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Sa panayam, sinabi ni Marcos na nalulungkot siya sa sinapit ng ating mga kababayang nawalan ng bahay kaya layunin niya ngayon ay makabangon uli ang mga ito mula sa matinding trahedya sa kanilang buhay.

“Pangako ko sa inyo na magkakaroon tayo ng reconstruction, lahat ng tulong na kailangan ibibigay natin. Huwag kayong mawalan ng pag-asa at huwag panghinaan ng loob dahil maraming tao ang laging handang tumulong sa inyo,” anang dating Ilocos Norte governor.

Pinasalamatan ni Marcos ang mga volunteers at donors na kagya’t nagpadala ng tulong sa nauna niyang panawagan na tulungan ang mga biktima ng bagyo.

“Nakapagdala kami sa mga ibat’ ibang lugar, pero naiba ng kaunti dito sa Palawan because ang pangangailangan eh dati yung pagkain. Nagdala kami ng bigas. Nagdala kami ng pagkain, tapos tsinelas. Tapos ang hinihingi ngayon is construction materials para maayos ng mga tao yung mga bahay nila kaya iyon ang hahakutin namin pabalik dito paggaling namin ng Maynila,” sabi pa nito.

Bahagyang nabalam ang relief operation sa Palawan kamakailan dahil na rin sa sama ng panahon, ngunit binigyang-diin ni Marcos na hindi nito mapipigilan ang plano at pangako niyang makapaghatid ng mga construction materials bilang karagdagang tulong sa mga nawalan ng bahay sanhi ng bagyo.

Samantala, tiniyak din ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na nagpapatuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga apektado pang lugar, kahit na abala ang BBM-Sara UniTeam sa paglikom naman ng mga construction materials.

“Nagbigay tayo ng bigas at cash po para sa Puerto Princesa City, provincial government ng Palawan, at sa iba’t ibang probinsya. Iba’t-iba po yung sources ng ating donation. Meron pong galing sa mga governors. Meron galing sa provincial government ng Davao Occidental. Galing sa city government of Davao, galing sa Lakas-CMD at galing (kay) Bongbong Marcos,” sabi pa ng presidential daughter.

Ani Inday Sara, ginagawa ng BBM-Sara UniTeam ang lahat ng paraan upang maibagi ang agarang tulong. “And will always pray that we rise with our heads held high from this adversity,” wika pa nito.

(30)