Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam musters a sea of humanity for unity in QC caravan

Press Releases
8 December 2021

HUNDREDS of thousands of people trooped to Quezon City on Wednesday morning to join the BBM-Sara UniTeam caravan, magnifying the people power strength of the tandem in Metro Manila and reinforcing the survey results showing they were leading the race in Metro Manila, among other regions.

The motorcade was a show of force of the supporters of presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. and his running mate Davao City Mayor Inday Sara Duterte, the team to beat in next year’s elections.

Traffic was stalled along major thoroughfares in the city where the snail-paced caravan passed by, but instead of being annoyed, motorists and passers-by eagerly waited for the vehicle that was carrying Marcos and Duterte and zealously honked, while crowds chanted “Bongbong-Sara!”

A magnificent sea of humanity came in their trademark red and green T-shirts, but thousands of Angkas and Joy Ride riders clad in blue, not to be outdone, took a day off to join the historic event.

Taxi drivers and other public utility vehicle drivers also stopped plying their routes temporarily and patiently waited for the motorcade. Some people were seen standing by on footbridges, while others stood on top of vehicles to have a clearer view of Marcos and Duterte.

Sirens of firefighters and marching bands playing along the route dominated the festive mood, with the BBM-Sara UniTeam the hot ticket of the day.

Even heartwarming were the people who lined-up on the streets waving the Philippine flag and shouting on top of their lungs, “Marcos Pa Rin, Marcos Pa Rin!” in unison, a slogan made famous by supporters of Bongbong’s father in the 80s.

The five-hour motorcade began along Commonwealth Avenue in front of the Commission on Audit (COA) and ended at Welcome Rotonda, but the impact of the event, which was the signature mass reception laid down by the BBM-Sara UniTeam in their sorties in other parts of the country, proved monumental.

“Lakasan natin ang ating sigaw ng ating sinasabi na ipagpatuloy ang pagkakaisa ng Pilipinas. Ang pagpili po ninyo kay Marcos at Duterte ay boto ninyo para sa pagkakaisa, para sa pa mas mabuti at mas magandang kinabukasan ng ating bansa,” Marcos told his supporters.

Marcos Jr., who won hands down in Quezon City during his vice presidential bid in 2016, is expected to dominate the presidential race in Metro Manila and other vote-rich regions.

A 72-year old man who was watching the caravan along Quezon Avenue was on the verge of tears as he reminisced the days when he was a rabid Marcos Sr. supporter.

“Akala ko hindi ko na makikita ulit ang ganitong klaseng pagmamahal sa mga Marcos.  Matutupad din ang aking pangarap na maging pangulo ang anak ng aking idolo na nangangarap ng tunay na pagkakaisa ng bayan,” Francisco Moral said between sobs.

Another senior citizen said, “They can never put a good man down.”

“Kahit anong paninira nila kay Bongbong ay hindi sila magtatagumpay. Imbes na mabawasan ang aming hanay ay lalo lang kaming dumarami at nadadagdagan dahil mulat na ang mga tao na ang lahat ng mga bintang ng kalaban ay pawang kasinungalingan lang,” the elderly said.

“Sabi nila People Power daw ang nagpaalis sa mga Marcos noon, malinaw ngayon na People Power din ang magluluklok kay Bongbong Marcos bilang ating susunod na pangulo,” he added.

Meanwhile, Atty. Vic Rodriguez, Marcos’s chief of staff and spokesperson, thanked Mayor Joy Belmonte and other city officials, the caravan organizers, and the residents, regardless of their political belief, for their support.

Rodriguez also apologized to the motorists and the MMDA for the traffic the event created “because we never anticipated that the carefully laid down preparation exerted by the organizers will be overwhelmed by the massive number of supporters who graced the occasion.”

-- 30 --

FILIPINO VERSION

BBM SA QC SUPPORTERS: ANG PAGPILI N’YO SA BONGBONG-SARA AY BOTO SA TUNAY NA PAGKAKAISA

SA gitna ng daang-libong supporters na tumangkilik sa BBM-Sara unity caravan sa Lungsod Quezon ngayong araw (Disyembre 8) ay sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang boto para sa mapagkaisang tambalan nil ni vice presidential aspirant Davao Mayor Sara Duterte ay boto para sa tunay na pagbubuklod ng sambayanan.

Ito ang iginiit ni Marcos Jr., sa motorcade ng BBM-Sara UniTeam na halos hindi makausad sa kahabaan ng Commonwealth Ave., na tinaguriang pinakamalawak na kalsada sa Pilipinas, dahil sa kapal ng taga-suporta na sumalubong sa kanila. Ang southbound ng 18-lane na Commonwealth Ave. ay napuno at nagkulay pula at berde at halos magsara dahil sa kapal ng nakilahok sa ‘unity ride.’

Pasado alas-otso ng umaga nang simulan ang motorcade sa tapat ng Commission on Audit sa Commonwealth Ave., sa Quezon City na nagtapos sa Welcome Rotonda pasado ala-una ng hapon. Ang dapat sanang maiksi lamang na biyahe ay inabot ng mahigit limang  oras dahil sa dami ng lumahok at sumalubong kaya halos hindi makagalaw ang sinasakyan nila Bongbong at Sara.

Sa Commonwealth pa lamang, tumagal ng halos apat na oras ang convoy dahil sa bagal ng usad nito bago pa lamang ito nakalabas sa Quezon City Memorial Circle.

“Ginulat na naman ako at napakarami. Kumpleto tayo ngayon dito sa Quezon City. Maraming-maraming salamat sa inyong pagdating,” ani Marcos Jr., sa mga taga-suporta.

Lalo namang kumapal ang tao nang magsama sa isang trak ang tambalang Bongbong at Sara na kinailangan pang tumigil ng ilang beses at nag-usad pagong ang kanilang convoy dahil sa hindi magkamayaw na pagsalubong ng mga supporters.

“Lakasan natin ang ating sigaw ng ating sinasabi na ipagpatuloy ang pagkakaisa ng Pilipinas. Ang pagpili niyo po kay Marcos at Duterte ay boto ninyo para sa pagkakaisa, sa mas mabuti at mas magandang kinabukasan ng ating bansa,” ayon kay Bongbong.

Kapansin-pansin din ang daan-daang mga delivery riders na sinadyang tumigil sa kanilang mga biyahe para makilahok sa motorcade ng BBM-Sara UniTeam.

Kanya-kanya rin ng gimik ang ilan para sa pagpapakita ng suporta, katulad ng ilan na lumabas sa kanilang mga bahay na nagsulat lamang sa mga pinunit na karton para ipakita ang kanilang pag-suporta sa BBM-Sara UniTeam.

Ang senior citizen na si Francisco Moral, halos maiyak pa habang sumasalubong sa BBM-Sara UniTeam.

“Akala ko hindi ko na makikita ulit ang ganitong klaseng pagmamahal sa mga Marcos. Matutupad din ang aking pangarap na maging pangulo ang anak ng aking idolo na nangangarap ng tunay na pagkakaisa ng bayan,” ayon sa naluluhang si Moral.

Maging ang mga overpass sa kahabaan ng Commonwealth ay napuno ng mga nag-aabang na taga-suporta para lamang masilayan ang BBM-Sara UniTeam.

“Dito natin sisimulan, ipagpapatuloy natin dito hanggang tayo ay magtagumpay, hindi lamang sa halalan, kundi magtagumpay sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino. Kapag naipagpatuloy natin ang ating adbokasiya, sama-sama po tayong babangon muli,” ani Marcos kasabay ng patuloy na panawagan ng pagkakaisa.

Kasama ng BBM-Sara UniTeam sa naturang event sina Quezon City mayoral aspirant Mike Defensor at ang kanyang running mate na si vice mayoral aspirant Winnie Castelo.

Kasabay nito, nagpasalamat ang BBM-Sara UniTeam sa pamunuan ng Quezon City, partikular kay Mayor Joy Belmonte pasa sa okasyon na ginanap sa kanilang lungsod.

Humingi naman ng paumanhin ang BBM-Sara UniTeam sa naapektuhan ng trapiko dahil sa hindi inaasahang pagdagsa ng tao.

“Hindi po kasi inaasahan ng mga naghanda sa nasabing okasyon na ma-overwhelm pa rin ang kanilang masinop at malawak na preparasyon sa dagsa ng mga taga-suporta nina Bongbong at Sara na sabik na makiisa at makita ang kanilang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente,” ayon sa tagapagsalita ni Bongbong na si Atty. Vic Rodriguez.

-30-