Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UNITEAM: LOVE SHALL WIN WAR ON DRUGS

Press Releases
23 November 2021

"The war on drugs shall be pursued and won through 'love'."

This was the statement of the BBM-Sara Uniteam, the tandem of Presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. and vice-presidential aspirant Inday Sara Duterte, regarding their program against illegal drugs when given a chance to serve as the country's president and vice-president in 2022.

“Naging matagumpay ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot, ipagpapatuloy natin ito at sasangkapan natin ng puso ang pagpuksa sa salot ng lipunan na ito,” the BBM-Sara Uniteam stated.

In their official statement, they opined that the persistent scourge brought about by illegal drugs is rooted in health, economy, and law enforcement.

"The proliferation of illegal drugs is a law enforcement, economic and health concern," they said.

“Sinimulan na ni Pangulong Duterte, atin na lamang i-e-enhance ang programa, kinakailangang magtayo ng marami pang rehabilitation center, magdagdag ng mga professional na mag-aaruga sa mga biktima na ituturing nating mga pasyente, bibigyan ng pagkakaabalahan, pwedeng hanap-buhay katulad ng handicrafts habang nasa proseso ng rehabilitasyon hanggang maiahon at maipanalo natin sila laban sa napakasamang bisyong ito,” they stated.

According to the BBM-Sara Uniteam, selling illegal drugs, especially shabu, is a lucrative business such that a few grams of shabu are equivalent to one gram of gold that may be mined painstakingly for one long week in mining sites.

“Sa mining site isang linggo bago maka-harvest ng isang gramo ng ginto, samantalang ang shabu saglit lang sa kalye pera na. That's the reason why after five years of aggressive campaign against illegal drugs, the problem still persists. Everyday, we read news reports of so-called 'buy-bust' operations by the police resulting in the arrest or neutralization of drug suspects and the confiscation of varying quantities of illegal drugs," they said.

"This tells us that the problem of illegal drugs is likely to persist for as long as the drug trade is a lucrative or profitable enterprise despite the inherent danger of arrest or even death in the hands of law enforcers," the BBM-SARA Uniteam added.

For the tandem, aside from intensifying the guarding of the ports for possible entries of illegal drugs, the government must also make sure that every Filipino shall have a paying job that may grant them decent living conditions so they may not be easily lured to the illegal drug trade.

“Hindi tuluyang masusugpo ang illegal na droga kung mayroon tayong mga pulis na kasabwat ng mga druglord sa ilegal na negosyong ito, samantalang ang mga nagagamit na drug mule at small-time pusher naman ay mga kaawa-awa nating mga kababayan na lugmok sa kahirapan at ang mga drug dependent naman ay mga taong maaari pa nating gamutin sa mga rehabilitation center o maituwid sa pamamagitan ng ating penal system,” they said.

The BBM-Sara Uniteam is also pushing for continued cleansing of the police ranks -- to constantly be on the lookout and dismiss officers found out to be using illegal drugs and going after police officers involved in the drug trade.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM: WAR ON DRUGS IPAPANALO GAMIT ANG PUSO

“Walang imposible kung gagawin ng may puso.”

Ito ang tinuran ng BBM-Sara Uniteam, ang tambalan nila Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Inday Sara Duterte, ukol sa programa nila kontra droga sakaling mapagbigyang mamuno bilang pangulo at bise pangulo ng bansa sa 2022.

“Naging matagumpay ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot, ipagpapatuloy natin ito at sasangkapan natin ng puso ang pagpuksa sa salot ng lipunan na ito,” pahayag ng dalawa.

Naniniwala ang BBM-Sara Uniteam na ang suliranin sa ilegal na droga ay may kinalaman sa kalusugan, ekonomiya at karampatang pag-papairal ng batas.

“The proliferation of illegal drugs is a law enforcement, economic and health concern,” pahayag ng dalawa.

“Sinimulan na ni Pangulong Duterte, atin na lamang i-eenhance ang programa, kinakailangang magtayo ng marami pang rehabilitation center, magdagdag ng mga professional na mag-aaruga sa mga biktima na ituturing nating mga pasyente, bibigyan ng pagkakaabalahan, pwedeng hanap-buhay katulad ng handicrafts habang nasa proseso ng rehabilitasyon hanggang maiahon at maipanalo natin sila laban sa napakasamang bisyong ito,” sinabi ng presidential at vice presidential tandem.

Ayon sa BBM-Sara Uniteam, lubhang mapang-akit ang pagbebenta ng droga, lalo na ng shabu, na ang ilang gramo lamang ay katumbas na ng isang gramo ng ginto na isang linggong pang hahalukayin sa mga minahan matapos ay ipoproseso pa.

“Sa mining site isang linggo bago maka-harvest ng isang gramo ng ginto, samantalang ang shabu saglit lang sa kalye pera na. That’s the reason why after five years of aggressive campaign against illegal drugs, the problem still persists. Everyday, we read news reports of so-called ‘buy-bust’ operations by the police resulting in the arrest or neutralization of drug suspects and the confiscation of varying quantities of illegal drugs,” pahayag nila.

“This tells us that the problem of illegal drugs is likely to persist for as long as the drug trade is a lucrative or profitable enterprise despite the inherent danger of arrest or even death in the hands of law enforcers.” dagdag pa nila.

Para sa BBM-Sara Uniteam, bukod sa maigting na pagbabantay sa mga pier at mga paliparan, dapat ding siguruhing may maayos at marangal na hanap-buhay at pinagkakakitaan ang bawat Pilipino upang hindi basta-basta matuksong magpagamit sa mga galamay ng ilegal na droga.

“Hindi tuluyang masusugpo ang illegal na droga kung mayroon tayong mga pulis na kasabwat ng mga druglord sa ilegal na negosyong ito, samantalang ang mga nagagamit na drug mule at small-time pusher naman ay mga kaawa-awa nating mga kababayan na lugmok sa kahirapan at ang mga drug dependent naman ay mga taong maaari pa nating gamutin sa mga rehabilitation center o maituwid sa pamamagitan ng ating penal system,” pahayag ng dalawa.

Ayon sa BBM-Sara Uniteam, kinakailangan din ang tuloy-tuloy na paglilinis sa hanay ng mga pulis, ang pagtanggal sa serbisyo sa mga mahuhuling gumagamit ng ilegal na droga at walang humpay na pagtugis sa mga  kasabwat ng mga sindikato ng droga.

-30-