Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam eyes sports to save children in Mindanao

Press Releases
20 December 2021

ALARMED by reports that some 1.8 million youth in Mindanao are severely affected by the continuing unrest in the region, the BBM-Sara UniTeam said it will ramp up sports programs and other productive activities to keep children from violence and develop new athletes who would bring honors to the country.

Presidential aspirant Bongbong Marcos and Vice Presidential bet Davao City Mayor Inday Sara Duterte were reacting to a report by Save the Children Philippines, which says that in 2019 some 1.8 million young people from Mindanao were severely affected by the unrest in the strife-torn region.

The report added that many young people were injured, sickened and suffered psychological stress as a result of the conflicts, even as many of them were learning how to use guns at a very young age.

This developed as the BBM-Sara UniTeam encouraged Mindanao’s young people to redirect their attention and be active participants in sports development, physical fitness, social and cultural programs.

The tandem is convinced that the region can be a rich source of world-class athletes who only need to be motivated and properly trained for them to follow the likes of  Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, and Eumir Marcial, who all brought honors to the country in last year’s Tokyo Olympics, all of whom are from Mindanao.

“Naniniwala kami na ang isang pinakamabuting paraan para makamit natin ang katahimikan sa Mindanao ay kung mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga kabataan na lumahok sa sports at iba pang katulad na aktibidad na magbibigay ng inspirasyon at direksyon sa kanilang buhay,” the BBM-Sara UniTeam said.

According to the BBM-Sara UniTeam, in conjunction with the peace and order programs being undertaken by the government, the projects for impacted youngsters should be organized in order to focus their attention on constructive activities.

“Kasabay ng peace and order dapat may programa tayo para sa mga kabataang lubhang naapektuhan ng patuloy na bakbakan sa Mindanao, nakakabahala na sa murang edad ay marami sa kanila ang marunong nang humawak ng baril, kawawa ang mga batang ito, kaya nais namin palakasin ang isports sa kanilang lugar,” said BBM-Sara UniTeam.

“‘Yun naman talaga dapat, sports at pag-aaral ang dapat na napagtutuunan nila,” they added.

This, as the BBM-Sara UniTeam also stated that it will create a super body exclusively dedicated to boosting grassroots sports programs in Mindanao, as well as building sports facilities such as basketball courts, soccer fields, and gymnasiums.

“Dagdagan natin ‘yung mga sports facilities sa Mindanao, tulad ng basketball, soccer field at ibang mga sports gym at bumuo tayo ng organisasyon na tututok at magtuturo ng sports sa mga kabataan sa Mindanao,” said the BBM-Sara UniTeam.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM: MGA KABATAAN SA MINDANAO ILILIGTAS NG SPORTS

PAIIGTINGIN ng BBM-Sara UniTeam nina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential bet Inday Sara Duterte ang mga programang pampalakasan sa Mindanao upang mailayo ang mga kabataan sa karahasan at makapagsanay ng mga bagong atleta na magbibigay karangalan sa bansa.

Ito ang sinabi ng ng dalawa matapos iulat ng Save The Children Philippines na noong 2019, mahigit 1.8 milyong kabataan mula sa Mindanao ang lubhang naapektuhan ng mga kaguluhan at labanan sa nasabing rehiyon.

Ayon pa sa ulat, maraming mga kabataan ang nasugatan, nagkasakit, at dumaan sa psychological trauma at ang iba naman ay nasawi, habang marami rin sa kanila ang natututo nang humawak ng baril sa murang gulang pa lamang.

Dahil dito, kumbinsido ang tambalan nina Bongbong at Sara na ang isang pinakamabuting paraan para mailayo sa karahasan ang mga kabataan sa rehiyon ay ang bigyang pagkakataon sila na sanayin sa iba’t-ibang larong pampalalakasan tulad ng swimming, weightlifting, marathon, boksing at iba pa.

Anila, kung magagabayan sa tamang landas ang mga kabataan sa Mindanao ay tiyak na magiging daan na rin ito upang makamit ang kapayapaan sa rehiyon.

“Naniniwala kami na ang isang pinakamabuting paraan para makamit natin ang katahimikan sa Mindanao ay kung mabibigyan natin ng pagkakataon ang mga kabataan na lumahok sa sports at iba pang katulad na aktibidad na magbibigay ng inspirasyon at direksyon sa kanilang buhay,” sabi ng tambalan. 

Idinagdag pa nila na naniniwala sila na mayaman ang Mindanao sa mga atletang may natatanging talento na maaaring sumunod sa mga yapak nina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial na pawang nanalo ng mga medalya at nagbigay-karangalan sa bansa nonng nakaraang Tokyo Olympics.

Sina Diaz at mga kasama niya ay pawang tubong Mindanao.

Ayon sa BBM-Sara UniTeam, kasabay ng pagsasaayos ng peace and order na ginagawa ng pamahalaan, dapat isinasabay ang programa para sa mga apektadong kabataan upang maituon ang kanilang atensyon sa kapaki-pakinabang na gawain.

“Kasabay ng peace and order dapat may programa tayo para sa mga kabataang lubhang naapektuhan ng patuloy na bakbakan sa Mindanao, nakakabahala na sa murang edad ay marami sa kanila ang marunong nang humawak ng baril, kawawa ang mga batang ito, kaya nais namin palakasin ang sports sa kanilang lugar,” sabi ng BBM-Sara UniTeam.

Plano din nila na bumuo ng isang super body na walang gagawin kundi tutukan ang grassroots sports development sa rehiyon at magpapatayo rin ng lahat na mga kailangang pasilidad para magamit sa pagsasanay ng mga atleta.

“Dagdagan natin yung mga sports facilities sa Mindanao, tulad ng basketball, soccer field at iba pang mga pasilidad at magbubuo tayo ng isang tanggapan na tututok para magsanay ng mga kabataang atleta doon,” pagbibigay diin pa nila.

-30-