Join the campaign (Learn More)

BBM-SARA UniTeam: Establish ‘Save Street Kids Text Helpline’ vs Covid-19

Press Releases
5 January 2022

CONCERNED about the dangers posed to homeless street children by the sudden resurgence of Covid-19 cases in the country, the BBM-Sara UniTeam is calling for the immediate establishment of a ‘text helpline’ to rescue and keep them off the streets.

Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. explained it is important to rescue the street kids immediately because they are the ones who are more susceptible to the disease, especially since it is feared that the new variant, Omicron which could infect and spread faster than other variants is now in the country.

“Nitong nakalipas na Pasko, kapansin-pansin ang pagdami ng mga kababayan nating namamalimos sa kalsada. Talagang nakapag-aalala dahil mabilis ang pagtaas ng bilang ng covid cases natin. Lalo akong nag-aalala dahil mas ‘vulnerable’ ang mga kabataan nating pagala-gala sa kalsada kaya dapat ay mailigtas agad natin sila,” said Marcos.

Health experts say that young children could be more susceptible to contracting the infection from the new variant although it is believed that it is not as virulent as the Delta strain.

Marcos and his running-mate Inday Sara Duterte said that one of the solutions they see to keep children off the streets is to  install a ‘Text Helpline’ that is exclusively dedicated to rescuing them.

The project is designed to encourage concerned citizens to inform appropriate authorities on the presence of children that need rescuing in their respective communities.

“Magiging mabilis ang aksyon dito kasi kahit sinong netizen o kababayan natin ay puwede silang kunan sa cellphone. Ipo-post nila ito sa itatayong ‘Helpline online’ o kaya ibibigay ang eksaktong lokasyon at doon ay reresponde agad ang LGU, o di kaya pulisya at nakasasakop na barangay para sagipin sila,” added Marcos.

The BBM-Sara UniTeam said that close coordination and cooperation among relevant agencies such as the Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine National Police (PNP) , LGUs and barangays will be needed to ensure the success of the program.

A former senator, Marcos co-authored Republic Act 10821, also known as the Children’s Emergency Relief and Protection Act, which provides protection for children affected by calamities and man-made disasters.

“The protection of the rights and interests of children should never be compromised in whatever situation they may be in,” Marcos stressed.

According to him, if the national government, local government units (LGUs) and barangay officials will work together, it will be easier to rescue the homeless children.

Sara for her part said there should also be a long term plan on how to take care, protect and give appropriate guidance to the rescued street children.

“Bigyan natin sila ng disenteng tirahan. Maayos na edukasyon, makabuluhan at produktibong programa. Dapat ay masiguro natin na magkakaroon sila ng maayos na edukasyon upang masiguro natin ang kanilang maayos na kinabukasan,” Sara said.

-30-

FILIPINO VERSION

‘SAVE STREET KIDS’ TEXT HELPLINE VS COVID IPINANAWAGAN NG BBM-SARA UNITEAM

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam na agarang itayo ang isang ‘text helpline’ para sagipin ang mga ‘street kids’ sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ayon kay  Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mahalagang masagip agad ang mga ‘batang hamog’ dahil sila ang mas madaling madapuan ng sakit, lalo’t pinangangambahang umaatake na rin ngayon ang bagong variant na Omicron.

Nitong nakalipas na Pasko hanggang sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang pagdami ng mga kababayan nating namamalimos sa kalsada kabilang na ang mga kabataan na nasa murang gulang pa lamang.

Sinabi ni Marcos na isa sa nakikita nilang solusyon ng running-mate na si Inday Sara Duterte para mailigtas ang mga ‘batang hamog’ ay ang pagtatayo ng ‘Text Helpline’.

Aniya magiging bahagi nang programang ito ang lahat ng indibidwal at netizens upang ipaalam agad sa mga kinauukulan ang mga nakikita nilang mga ‘batang hamog’ sa kalsada na kailangang iligtas at kalingain.

“Magiging mabilis ang aksyon dito kasi kahit sinong netizen o kababayan natin ay puwede silang kunan sa cellphone. Ipo-post nila ito sa itatayong ‘Helpline on-line’ o kaya ibigay ang eksaktong lokasyon at doon ay makakaresponde agad ang LGU, pulisya at nakasasakop na barangay,” sabi pa ni Marcos.

Sinabi ng BBM-Sara UniTeam na mahalaga sa programang ito ang masinsinang ugnayan sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Information and Communications Technology (DICT), PNP, LGUs at mga barangay officials.

“Talagang nakapag-aalala dahil mabilis ang pagtaas ng bilang ng Covid cases natin. Lalo akong nag-aalala dahil mas ‘vulnerable’ ang mga kababayan nating pagala-gala sa kalsada kaya dapat ay mailigtas agad natin sila,” ani Marcos.

Ayon sa kanya kung magtutulungan ang national government, local government units hanggang mga barangay officials, upang mas madaling matunton ang mga ‘street kids’ dahil pakalat-kalat ang mga ito sa kalsada.

“Iyong iba’y nakikita ring mga natutulog sila sa iba’t ibang parke sa Metro Manila na madalas ay isang pamilya na may kasama ring sanggol o mga batang paslit,” dagdag pa niya.

Isang dating senador, si Marcos ang co-author ng Republic Act 10821, na lalong kilala sa tawag na Children’s Emergency Relief and Protection Act, na naglalayong bigyan ng proteksyon ang mga kabataan, sa lahat ng pagkakataon lalo na kung may mga kalamidad at iba pang sitwasyon na maglalagay sa kanila sa panganib.

“Hindi dapat ipagwalang bahala ang anumang karapatan ng mga bata sa kahit ano pa mang sitwasyon,” paliwanag pa ni Marcos.

Para naman kay Sara, dapat ay magkaroon din ng ‘long term plan’ kung paano alagaan, kalingain at bigyan ng nararapat na tulong ang mga maililigtas na ‘batang hamog.’

“Bigyan natin sila ng disenteng tirahan. Maayos na edukasyon, makabuluhan at produktibong programa. Dapat ay masiguro natin na magkakaroon sila ng maayos na edukasyon upang masiguro natin ang kanilang maayos na kinabukasan,” pahayag ni Sara.

-30-