Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam: Ensure the safety of returning OFWs this Christmas

Press Releases
13 December 2021

PRESIDENTIAL aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. and his running mate, vice-presidential aspirant Sara Duterte, urged the government to ensure the safety of up to 100,000 Overseas Filipino Workers (OFW) against Covid-19 who are returning home this Christmas.

The BBM-Sara UniTeam was reacting to the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) statement that they are expecting the influx of 80,000 to 100,000 OFWs to celebrate the holiday season this December.

“It’s a Filipino tradition na tuwing Pasko at Bagong Taon nagsasama-sama ang pamilyang pinoy, lalo na ang mga OFW na tuwing kapaskuhan ang schedule ng uwi sa bansa para makapiling ang pamilya. We need to make sure that they are safe from Covid-19 sa pag-uwi nila sa Bansa, ” the BBM-Sara UniTeam said, in a statement.

The tandem of Bongbong and Sara also said that they support the government's decision to continue providing free use of quarantine facilities for returning OFWs to reduce their expenses.

The BBM-Sara UniTeam also urged the government to intensify its strict implementation of health protocols, especially now that there is a threat of Omicron, the new variant of Covid-19.

“Kailangan nating masiguro na ligtas ang mga OFW sa Covid-19 para tiyak ding ligtas ang mga uuwian nilang pamilya. Let’s have them celebrate safely with their families,”

"We need to make sure that OFWs are free from Covid-19 so that their families will be safe. Let's have them celebrate safely with their families," the BBM-Sara UniTeam added.

OWWA will shoulder the seven-day quarantine of returning OFWs. They will be subjected to a swab test on the fifth day, and if a negative result is released, they will be allowed to go home. The quarantine rules also depend on the Local Government Unit or province of the returning OFW.

Currently, there are 178 government-run quarantine facilities for use by OFWs returning to the country.

The BBM-Sara Uniteam added that more OFWs might come home since the number of Covid-19 cases continues to decline.

“Asahan natin na mas maraming uuwi ngayon lalo na yung mga hindi nakauwi noong nagdaang Pasko dahil sa mas mahigpit na health protocol. Kaya ito talaga ang dapat nating paghandaan,” the BBM-Sara UniTeam noted.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM-SARA UNITEAM: TIYAKIN ANG KALIGTASAN NG OFWs NA UUWI NGAYONG PASKO

NANAWAGAN ang tambalan nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at vice-presidential aspirant Sara Duterte na tiyakin ang kaligtasan laban sa Covid-19 ng aabot sa 100,000 Overseas Filipino Workers (OFW) na nakatakdang umuwi sa bansa para bisitahin ang kanilang pamilya ngayong Pasko.

Ito ang reaksyon ng BBM-Sara UniTeam matapos i-anunyso ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na inaasahan nila na 80, 000 hanggang 100, 000 ang posibleng umuwi sa bansa para magdiwang ng kapaskuhan ngayong Disyembre.

“It’s a Filipino tradition na tuwing Pasko at Bagong Taon nagsasama-sama ang pamilyang pinoy, lalo na ang mga OFW na tuwing kapaskuhan ang schedule ng uwi sa bansa para makapiling ang pamilya. We need to make sure that they are safe from Covid-19 sa pag-uwi nila sa Bansa” ayon sa pahayag ng BBM-Sara UniTeam

Iginiit pa ng tandem nila Bongbong at Sara na tama lamang ang desisyon ng pamahalaan na ituloy pa rin ang libreng pagsagot sa mga quarantine facilities para sa mga umuuwing OFW para makabawas ng gastusin sa mga ito.

Sumang-ayon rin ang BBM-Sara UniTeam sa pagpapaigting ng mga umiiral na health protocols lalo pa't ngayon na may banta ng bagong variant ng Covid-19 na Omicron.

“Kailangan nating masiguro na ligtas ang mga OFW sa Covid-19 para tiyak ding ligtas ang mga uuwian nilang pamilya. Let’s have them celebrate safely with their families,” dagdag pa ng BBM-Sara UniTeam.

Ayon sa OWWA sagot nito ang pitong araw na quarantine ng uuwing OFWs na miyembro nila. Isasalang naman sila sa swab test sa ika-limang araw at kapag negatibo ang resulta ay papayagan na silang makauwi ng bahay. Nakasalalay naman sa Local Government Unit o probinsyang uuwian ang mga karagdagan pang quarantine rules.

Sa kasalukuyan merong 178 quarantine facilities na ginagamit ang pamahalaan para sa mga umuuwing OFW sa bansa.

Idinagdag pa ng BBM-Sara Uniteam na posibleng dumagsa pa ang pag-uwi ng mga OFW lalo na ngayon na patuloy na bumababa ang bilang ng kaso sa Covid-19.

“Asahan natin na mas maraming uuwi ngayon lalo na yung mga hindi nakauwi noong nagdaang Pasko dahil sa mas mahigpit na health protocol. Kaya ito talaga ang dapat nating paghandaan,” dagdag pa ng BBM-Sara UniTeam.

-30-