Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam continues relief operations in Odette-damaged areas in Leyte, Butuan, Cebu, Bohol and Masbate

Press Releases
19 December 2021

THE BBM-Sara UniTeam of Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and Inday Sara Duterte on Sunday continued the series of relief operations in typhoon-affected areas in Leyte, Butuan, Bohol, Cebu and Masbate.

To recall, Marcos immediately called on his supporters and volunteers as early as Wednesday, a day before Typhoon Odette entered the Philippine area of responsibility, to repack relief goods in anticipation of a massive relief effort.

Minutes after his call, donors and volunteers trooped to the BBM-Sara warehouse in Taguig City, bringing with them sacks of rice, tons of canned goods, and other essentials.

Marcos personally delivered some of the relief goods at the provincial capitol in Maasin City, Southern Leyte that were received by Gov. Damian Mercado and House Majority Leader Martin Romualdez.

The BBM-Sara UniTeam next visited Butuan City, where an estimated 7,000 families from 43 barangays have been affected.

Another team delivered relief assets in Bohol, and was met by weary residents who were still reeling from their losses.

BBM-Sara UniTeam volunteers also visited affected areas in Cebu, among them Mandaue City, which recorded six fatalities.

Marcos thanked the donors and volunteers who took time to heed his call in such a short notice.

“Nakatataba ng pusong isipin na kahit may pandemya ay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang bayanihan. Nagpapasalamat ako sa mga donor at volunteers dahil sa taos puso at maagap na pagtulong. Naging mabilis ang ating responde dahil sa inyo. Maraming salamat po,” he said.

Marcos, earlier, issued an appeal to electric cooperatives in Luzon and Mindanao that were not affected by the typhoon to send linemen and materials to areas were electric power has not yet been restored “so we can all have a bright Christmas.”

-30-

FILIPINO - Pinangunahan ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang pamamahagi ng relief goods sa Southern Leyte nitong Linggo. Isa lamang ito sa serye ng relief operations sa iba’t ibang lugar sa Leyte, Butuan, Bohol at Cebu para sa mga biktima ng super typhoon Odette na inumpisahan nilang gawin matapos ang pananalanta ng bagyo. Kasama ni Marcos Jr., si House Majority Leader Martin Romualdez, na caretaker din ng Southern Leyte.

ENGLISH - Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. personally leads the distribution of relief goods in Southern Leyte this Sunday. This is just one of a series of relief operations in various areas in Leyte, Butuan, Bohol, Cebu and Masbate for the victims of super typhoon Odette which they were conducting that started shortly after the Odette’s onslaught. Also present is House Majority Leader Martin Romualdez, caretaker of Southern Leyte.

-30-

FILIPINO VERSION

SERYE NG RELIEF AIDS NINA BONGBONG AT SARA TULOY-TULOY LANG SA LEYTE, BUTUAN, CEBU, BOHOL AT MASBATE

NAGLUNSAD nitong Linggo (Disyembre 19) ng serye ng relief operations ang tambalan nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at Inday Sara Duterte sa iba’t ibang lugar na nasalanta ng super typhoon Odette na kinabibilangan ng Leyte, Butuan, Bohol at Cebu.

Matatandaan na bago pa man humagupit ang bagyong Odette, nauna nang pinakilos ng BBM-Sara UniTeam ang kanilang mga volunteer para mag-preposition ng mga pagkain, gamit at iba pang kailangang ibigay na tulong  bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyo.

Agad na nagtulong-tulong ang mga volunteer para mag-repack ng mga relief good sa mga warehouse ng BBM-Sara UniTeam sa iba’t-ibang rehiyon at lalawigan.

Agad ding tumugon ang mga donor at volunteer sa ikinasang mga relief operation at dumagsa ang mga bigas, canned goods, kape at iba pang pangunahing mga pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Nitong Linggo, personal na inihatid ni Marcos ang mga relief goods ng BBM-Sara UniTeam sa provincial capitol ng Maasin City sa Southern Leyte na tinanggap nina Southern Leyte Gov. Damian Mercado at House Majority Leader Martin Romualdez.

Sunod namang tinungo ng BBM-Sara UniTeam ang Butuan City na tinatayang 43 barangay o aabot sa mahigit 7, 000 pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Namahagi rin ng ayuda sa Bohol na hanggang ngayon ay problema din ang kakulangan ng supply ng kuryente.

Sunod namang hinatiran ng tulong ang Cebu na hinagupit din ng typhoon Odette.

Hanggang sa kasalukuyan ay bagsak pa rin ang karamihan ng linya ng mga telepono sa naturang lugar.

Nauna na ring pinasalamatan ni Marcos ang mga donor at volunteer na agad tumugon sa kanyang panawagan kahit sa maikising panahon lamang.

“Nakatutuwang isipin na kahit may pandemya buhay na buhay pa rin sa ating mga Pilipino ang bayanihan,” wika niya.

“Nagpapasalamat ako sa mga donor at volunteer dahil sa taos puso at maagap na pagtulong. Naging mabilis ang ating responde dahil sa inyo. Maraming salamat po,” dagdag pa niya.

Nitong Sabado ay nauna na ring nanawagan si Marcos sa mga kooperatiba mula Luzon at Mindanao na hindi masyadong naapektuhan, na magpadala ng mga linemen at mga kailangang gamit upang maibalik kaagad ang daloy ng kuryente sa mga apektadong lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

-30-