Join the campaign (Learn More)

BBM-Sara UniTeam calls for strict observance of health protocols in evacuation centers at all times

Press Releases
11 January 2022

ALARMED by the resurgence of Covid-19 cases in most parts of the country, presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and his running mate Davao City Mayor Inday Sara Duterte have called on local officials in areas devastated by Typhoon Odette to ensure that health protocols are being strictly observed in evacuation centers where thousands of victims are temporarily staying.

The call was made after the country’s health department reported a record number of new cases in the past days with the more transmissible Omicron variant now considered the dominant strain.

“Huwag na nating dagdagan ang kanilang (mga biktima) paghihirap. Dapat na siguruhin natin na hindi makakapasok ang Covid sa mga evacuation center, mas malaking problema ito kapag nagkataon,” said the BBM-Sara UniTeam.

The BBM-Sara UniTeam also called on local government units to regularly disinfect temporary shelters and provide all necessary health and hygiene kits, hand wash soaps, alcohols and face masks.

“Importante na bukod sa maayos dapat ang kalagayan nila ay masiguro rin na ligtas sila sa Covid19.  Dapat lamang na masunod ang mga health protocol na ipinapatupad ng pamahalaan lalo na ngayon na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng virus,” said the BBM-Sara UniTeam.

The Philippines on Monday again registered an all-time high of new COVID-19 infections with 33,169, raising the Philippines' total caseload to 2,998,530.

Health Secretary Francisco Duque III said the Philippines has already been classified as critical risk for COVID19, noting that Omicron has finally surpassed Delta as the dominant variant in the country based on the latest whole genome sequencing.

This, as the BBM-Sara Uniteam also vowed that the distribution of aid and relief goods to typhoon victims will continue despite the threat of COVID-19.

Apart from cash and relief goods, BBM-Sara UniTeam also distributed thousands of gallons of water and water filtration kits. They also donated construction materials to rebuild the houses destroyed by the typhoon.

The BBM-Sara tandem also recently distributed generator sets and satellite dishes that helped restore electricity and communications signals in areas hit hard by the storm.

-30-

FILIPINO VERSION

SIGURUHING NASUSUNOD ANG MGA HEALTH PROTOCOL SA MGA EVACUATION CENTER — BBM-SARA UNITEAM

NANAWAGAN ang tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at running mate na si Davao Mayor Sara Duterte sa mga lokal na opisyal sa mga lugar na sinalanta ni ‘Odette’ na siguruhing nasusunod ang mga health protocol sa mga evacuation center kung saan pansamantalang tumutuloy ang libo-libong mga biktima.

Ang panawagan ay ginawa nila bunsod ng pangamba na maaaring maging laganap ang hawaan ng ibat-ibang uri ng mga sakit, lalo’t higit ang coronavirus infection kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid19 na dala ng bagong Omicron variant.

“Huwag na nating dagdagan ang kanilang paghihirap huwag nating hayaang makapasok ang Covid sa mga evacuation center, mas malaking problema ito kapag nagkataon,” ayon sa BBM-Sara UniTeam.

Nanawagan pa ang BBM-Sara UniTeam sa mga local government na nakakasakop sa mga evacuation center na mahigpit pa ring ipatupad ang mga health protocol sa kanilang mga lugar, tulad ng pagdi-disinfect sa mga temporary shelter  at paglalaan ng mga hugasan ng kamay at pamimigay ng mga alcohol at face mask.

Kailangan din umanong masiguro na naipapatupad ang physical distancing lalo na at maraming biktima ang nagsisiksikan sa mga masisikip na lugar.

“Importante na bukod sa maayos dapat ang kalagayan nila ay masiguro rin na ligtas sila sa Covid19.  Dapat lamang na masunod ang mga health protocol na ipinapatupad ng pamahalaan lalo na ngayon na patuloy pa rin ang pagtaas ang kaso ng tinatamaan ng virus,” anang BBM-Sara UniTeam.

Sa kabila naman ng banta ng Covid19, tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng tulong ng tambalan sa mga nasalanta ng bagyo. 

Bukod sa mga cash at relief goods, namahagi rin ang BBM-Sara UniTeam ng libu-libong galon ng tubig at water filtration kits. Namigay din sila ng mga construction material para muling maitayo ang mga bahay na winasak ng bagyo.

Kamakailan din ay namahagi ng mga generator set at satellite dish ang BBM-Sara tandem para magamit sa mga lugar na walang kuryente at walang signal ng telepono.

-30-