BBM-Sara proclamation rally expected to gather biggest crowds

7 February 2022

ALL roads lead to the Philippine Arena in Sta. Maria, Bulacan today (Tuesday) for the proclamation rally of the entire BBM-Sara UniTeam as volunteers started to flock to the area as early as Saturday last week.

The proclamation of presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate Davao City Mayor Sara Duterte will be the centerpiece of the occasion, which will be also highlighted by the formal introduction of the entire UniTeam’s senatorial ticket.

Preparations for the “big event” have started as early as Saturday morning, with volunteers meticulously putting the final touches until Monday evening to ensure that there will be no hitches when the BBM-Sara UniTeam kicks off its campaign.

At least 25,000 supporters from all over the country are expected to troop to the multi-purpose facility, which is tagged by the Guinness World Records as the world’s largest indoor arena.

The Philippine Arena boasts of a 55,000 seating capacity, but only 25,000 will be allowed to witness the event in deference to health protocols.

UniTeam event organizers said security will be tight, and only those who are fully vaccinated will be allowed inside the arena.

The event will start at 4 p.m. and is expected to end around 7 p.m., but not before Marcos and Duterte introduce their official senatorial line-up composed of Senators Sherwin Gatchalian and Juan Miguel Zubiri and former Defense secretary Gilbert Teodoro.

They are joined by former Public Works and Highways secretary Mark Villar, former Palace spokesperson Harry Roque, Rep. Loren Legarda, former senator Jinggoy Estrada, Rep. Rodante Marcoleta, former Quezon City mayor Herbert Bautista, lawyer Larry Gadon, and former senator and Information and Communications Technology secretary Gregorio "Gringo" Honasan II.

Other aspirants are also expected to conduct their proclamation rallies today, but they will be held at smaller venues. 

Political analysts said the Marcos-Duterte tandem is definitely the team to beat in the May 2022 elections, as shown by the massive support it has been receiving on the ground and backed by the overwhelming results from all the reputable survey firms in the country.

-30-

 FILIPINO VERSION

UNITEAM PROCLAMATION RALLY, INAASAHANG DADAGSAIN NG LIBO-LIBONG MGA TAGA SUPORTA

HANDA na ang lahat para sa inaasahang pinakamalaking proclamation rally ng BBM-Sara UniTeam sa Philippine Arena sa Sta. Maria, Bulacan ngayong Martes na inaasahang dadaluhan ng mahigit sa 25,000 taga-suporta.

Sabado pa lamang nang magsimulang dumating sa lugar ang mga volunteer para sa okasyon na inaasahang sesentro sa proklamasyon nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang katambal na si Davao City Mayor Inday  Sara Duterte.

Sentro rin ng proclamation rally ang pagpapakilala sa senatorial slate ng UniTeam.

Abala na ang mga supporters at volunteers sa pag-aayos ng lugar simula pa nitong Sabado ng umaga para masigurong magiging maayos ang naturang okasyon.

Ayon sa UniTeam, tinatayang mahigit 25,000 taga-suporta ang dadalo sa proclamation rally sa Philippine Arena na tinagurian ng Guinness Book of World Records na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Aabot sa 55,000 ang kapasidad ng nasabing arena pero dahil pa rin sa pandemya, kalahati lamang o 25,000 ang papayagang makapasok sa lugar dahil na rin sa ipinatutupad na mga health protocol.

Ayon sa mga event organizer ng UniTeam, ang mga fully vaccinated lamang ang papayagang makapasok habang mahigpit pa ring ipatutupad ang mga health protocol.

Mag-uumpisa ang proclamation rally dakong alas-kwatro ng hapon at matatapos naman ng alas-siyete ng gabi.

Inaasahan din ang pormal na proklamasyon sa senatorial slate ng UniTeam na kinabibilangan nila Senators Sherwin Gatchalian at Juan Miguel Zubiri; at dating Defense secretary Gilbert Teodoro.

Kasama rin nila sina dating Public Works and Highways secretary Mark Villar;  dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Harry Roque; Rep. Loren Legarda;  dating senador Jinggoy Estrada, Rep. Rodante Marcoleta, dating Quezon City mayor Herbert Bautista; abogadong si Larry Gadon; at dating senador at Information and Communications Technology secretary Gregorio "Gringo" Honasan II.

Magsasagawa rin ng katulad na proclamation rally bukas ang iba pang mga aspirant pero gagawin lamang ang mga ito sa mas maliit na lugar.

Ilang political analyst na ang nagsabi na ang tambalang Marcos-Duterte ang team to beat sa May 2022 base na rin sa ipinakikitang suporta ng publiko at mga resulta ng mga respetadong survey company na nananatiling pinangungunahan ng UniTeam.

-30-