BBM, Sara count on Lagunenses full support

13 March 2022

PARTIDO Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and his running-mate Mayor Inday Sara Duterte on Friday called on Lagunenses to work with their administration after they win in May to attain economic recovery and progress for the country.

Speaking before thousands of people during a rally at the capitol compound in Sta. Cruz, Laguna, Marcos said the country has been able to overcome challenges that it faced because Filipinos united and worked together.

“Lahat ng krisis, lahat ng sakuna, tayo ay nakaraos dahil tayo ay nagkaisa. Natutunan po natin na walang ibang tutulong sa Pilipino kungdi kapwa Pilipino din,” Marcos said.

The PFP presidential bet explained that the people should unite and work with the government because no matter how hard-working and how strong his and Inday Sara's desire to serve the people, they would not succeed in propelling the country towards progress and development by themselves alone.

“Kahit anong sipag, galing at pagmamahal sa Pilipino kung nag-iisa lang siya, hindi po niya kakayaning mag-isa. Kaya dala po namin dito sa Laguna ang adhikain naming pagkakaisa para po magtulungan po tayo para hindi lang natin maibabangon ang Pilipinas sa pagkalugmok sa pandemiya, kungdi iaangat pa natin ang bansa para tayong mga Pilipino magiging taas noo kahit saan mang panig ng mundo. Sama-sama po tayong babangong muli,” he said.

Duterte for her part also called on the people to work with them for their plans and programs to succeed.

“Magkasama po nating lalagpasan ang krisis na dala ng pandemiya,” she said.

The two also thanked the people for their warm welcome and their responsiveness to the UniTeam's call for unity.

Aside from Marcos and Duterte, the people also gave a warm welcome to their senatorial bets who joined them which included Harry Roque, Larry Gadon, Greg ‘Gringo’ Honasan, Jinggoy Estrada, Herbert Bautista, and Sherwin Gatchalian.

The people gave loud cheers of approval as the different members of the UniTeam slate disclosed their platforms of government should they win in May.

Meanwhile, to show his support to Marcos and Duterte, a student from the BN Calara School walked from his house located in the hilly Bgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna to present sketches of the two that he painstakingly made.

“Naniniwala po ako na maganda ang gobyerno nila dahil si Marcos ay taga-Norte habang si Sara naman ay taga-Mindanao. Magkakaroon ng pagkakaisa,” Stephen Angel Lucero said.

On the other hand, Jesus Banaag, an employee at the Capitol’s Engineering Department, skipped his lunch break to join the rally and see Marcos, adding that he has been loyal to the Marcoses ever since.

“Tumakas lang po ako para makapunta dito. Malaki ang magagawa nila sa bayan. Panalo na siya. Masipag, matalino, matino, wala ka nang masasabi sa kanya. Kinikilabutan nga ako nung marinig ko siyang magsalita,” he said.

-30-

BBM-SARA SINUYO ANG LAGUNA

SINUYO nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at running-mate na si Inday Sara Duterte ang Lalawigan ng Laguna at muling nanawagan na samahan ang UniTeam na pag-isahin ang bansa upang tuluyan nang makabangon ang lugmok na ekonomya dahil sa pandemya.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng libo-libong tagasuporta sa Capitol compound sa Sta. Cruz, Laguna, sinabi ni Marcos na marami nang pagsubok ang dinaanan ng bansa at naniniwala siyang malalagpasan ito lalo kung magsasama-sama at may pagkakaisa ang mamamayang Pilipino.

“Lahat ng krisis, lahat ng sakuna, tayo ay nakaraos dahil tayo ay nagkaisa. Natutunan po natin na walang ibang tutulong sa Pilipino kundi kapwa Pilipino din,” ani Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na pagkakaisa ang susi sa pag-unlad dahil anuman ang mithiin nila ni Inday Sara para mapabuti ang bansa ay hindi ito magtatagumpay kung walang suporta mismo mula sa taumbayan.

“Kahit anong sipag, galing at pagmamahal sa Pilipino kung nag-iisa lang siya, hindi po niya kakayaning mag-isa. Kaya dala po namin dito sa Laguna ang adhikain naming pagkakaisa para po magtulungan po tayo para hindi lang natin maibabangon ang Pilipinas sa pagkalugmok sa pandemya, kundi iaangat pa natin ang bansa para tayong mga Pilipino magiging taas noo kahit saan mang panig ng mundo. Sama-sama po tayong babangong muli,” sabi pa niya.

Sa kanyang panig, sinabi ni Inday na kailangan nila ni Marcos ang tulong ng ating mga kababayan upang maipatupad ang mga mabubuting layunin para sa bayan.

“Magkasama po nating lalagpasan ang krisis na dala ng pandemya,” sabi pa ng mayora.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng UniTeam ang mainit na pagtanggap sa kanila ng buong Lagunaenos.

Maliban kasi sa tambalang BBM-Sara, mainit ding sinalubong ng mga tagasuporta ang mga senatorial bets na sina Harry Roque, Larry Gadon, Greg ‘Gringo’ Honasan, Jinggoy Estrada, Herbert Bautista at Sherwin Gatchalian.

Samantala, ginulat at napahanga ng isang estudyante ang UniTeam nang maglakad ito mula sa kanilang bahay sa may burol ng Bgy. San Antonio, Kalayaan, Laguna para lamang ipakita ang dalawang ‘sketches’ na ginawa nito para kina Marcos at Duterte.

“Naniniwala po ako na maganda ang gobyerno nila dahil si Marcos ay taga-Norte habang si Sara naman ay taga-Mindanao. Magkakaroon ng pagkakaisa,” ani Stephen Angel Lucero, estudyante ng BN Calara School.

Si Jesus Banaag naman, empleyado mula sa Capitol Engineering Department ay sinamantala ang lunch break upang  magtungo  sa campaign sortie ng UniTeam.

“Tumakas lang po ako para makapunta dito. Malaki ang magagawa nila sa bayan. Panalo na siya. Masipag, matalino, matino, wala ka nang masasabi sa kanya. Kinikilabutan nga ako nung marinig ko siyang magsalita,” dagdag pa ni Banaag.

-30-