BBM pledges to address power supply problems in Occidental Mindoro

20 April 2022

VOWING to continue working and directly bringing his message to the people until the last day of campaign period, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. on Wednesday pledged to address the perennial power supply problems in Occidental Mindoro after he wins in the scheduled May 9 elections.

Marcos said he is convinced that the fastest way to bring the province to greater progress and development, is to ensure continuous supply of affordable power which in the process could stimulate trade activities and commerce in the province.

“Natanggap ko ang listahan ninyo, sa Occidental Mindoro ang inaalala ng tao, number one kailangan ang susunod na administrasiyon ay makahanap ng paraan na bawasan ang singil ng kuryente sa taumbayan para makita natin na hindi masyadong nahihirapan ang mga tao,” he said.

“Balita ko dito madalas ang brown out. Kailangan nating ayusin yan, napakalaking problema niyan,” he said.

Aside from addressing the electricity problems, Marcos also vowed that he will fully support agriculture, health and education programs in the province.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer also visited the party’s headquarters in the province before going straight to the UniTeam rally site at the Capitol Grounds where he was warmly welcomed by their supporters.

For his part, Governor Eduardo Gadiano said the province will give 101% of its support for Marcos.

“Napakaswerte natin na tayo ang unang binisita sa Mimaropa. Ang Occidental Mindoro ay 101% na sumusuporta sa ating magiging presidente, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,” he said.

Gadiano said Occidental Mindoro is one with Marcos as he brings unity throughout the country.

Marcos thanked the people of Occidental Mindoro for the warm welcome he received from the people.

Supporters cut his speech by shouting “Panalo ka na!” and “Hindi kami bayad!”

“Nagpapasalamat ang lahat ng UniTeam at tsaka ang tambalang Marcos- Duterte sa mainit na suportang ibinibigay niyo sa amin ngayong araw na ‘to,” Marcos said.

“Napakalakas ng suporta ng Mamburao, ng buong Occidental Mindoro para sa UniTeam. Kami po lahat ay nag-iikot sa buong Pilipinas at aming sinisigaw at dala ang mensahe ng pagkakaisa” Marcos said which made the people roared “BBM”.

He said the UniTeam’s message of unity has finally reached Occidental Mindoro.

After the event, Marcos went to the next UniTeam rally held in Calapan, Oriental Mindoro where he also met with thousands of supporters.

-30-

Problema sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro, lulutasin ni BBM

PAGSASAAYOS sa problema sa kuryente ang pangako ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga taga- Occidental Mindoro kapag siya ang manalo sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa pagpapatuloy ng UniTeam na mag-ikot at dalhin ang mensahe ng pagkakaisa sa mga tao hanggang sa huling araw ng pangangampanya, kumbinsido si Marcos na ang pinakamabilis na paraan upang umunlad ang isang lalawigan ay ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente dahil ito ang magbibigay buhay sa mga aktibidad na may kinalaman sa kalakalan at komersyo.

“Natanggap ko ang listahan ninyo, sa Occidental Mindoro ang inaalala ng tao, number one kailangan ang susunod na administrasyon ay makahanap ng paraan na bawasan ang singil ng kuryente sa taumbayan para makita natin na hindi masyadong nahihirapan ang mga tao,” sabi niya sa harap ng mga taga-suporta ng UniTeam.

“Balita ko dito madalas ang brown out. Kailangan nating ayusin yan, napakalaking problema niyan,” wika pa niya.

Maliban sa problema sa kuryente ay nangako din si Marcos na buong suporta ang ibibigay niya sa mga programang pang- agrikultura, kalusugan at edukasyon sa lalawigan.

Maliban sa ginanap na UniTeam rally sa Capitol Grounds, binisita din niya ang headquarters ng partido nila kung saan mainit din siya tinanggap ng kanyang mga taga-suporta.

Sinabi naman ni Governor Eduardo Gadiano na 101% ang suportang ibibigay ng Occidental Mindoro para kay Marcos.

“Napakaswerte natin na tayo ang unang binisita sa Mimaropa. Ang Occidental Mindoro ay 101% na sumusuporta sa ating magiging presidente, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,” sabi niya.

Dagdag pa ni Gadiano na kaisa ang Occidental Mindoro sa layunin ni Marcos na pagkakaisa para sa buong bansa.

Nagpasalamat si Marcos sa mga taga- Occidental Mindoro sa kanilang mainit na suporta, sa paghihintay at pagtanggap sa kanya.

“Nagpapasalamat ang lahat ng UniTeam at tsaka ang tambalang Marcos- Duterte sa mainit na suportang ibinibigay niyo sa amin ngayong araw na ‘to,” sabi niya.

“Napakalakas ng suporta ng Mamburao, ng buong Occidental Mindoro para sa UniTeam. Kami po lahat ay nag-iikot sa buong Pilipinas at aming sinisigaw at dala ang mensahe ng pagkakaisa” dagdag ni Marcos na nagpahiyaw sa mga tao at sabay sabay nilang sinigaw ang “BBM”.

Ayon sa kanya, nakarating na sa Occidental Mindoro ang mensahe ng pagkakaisa na hatid ng UniTeam.

Matapos ang event sa Occidental Mindoro ay nagtungo naman si Marcos sa sunod na rally ng UniTeam na ginanap sa Calapan, Oriental Mindoro kung saan libong taga-suporta ng UniTeam ang sumalubong sa kanya.

-30-