Join the campaign (Learn More)

BBM pledges more help for ‘Odette’ victims

Press Releases
25 December 2021

Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. on Saturday pledges to double down on their relief efforts and continue sending aids to those who were affected and displaced by Typhoon Odette, even as he urged the whole nation "to stay strong and unified in the face of the misfortunes that some of our countrymen are experiencing this Christmas."

"My supporters will continue scouring the remote areas in the provinces that were badly hit by the typhoon to bring the necessary assistance. We will not stop helping them until such time that they will be back on their feet," Marcos said.

In an interview on DZRH last Friday, Marcos promised to visit the victims in other provinces, "as the reports of the extent of the devastation in their areas came in late because of poor communications."

“Hindi pa maaring pumunta sa malalayo. Kailan lang lumabas ang balita sa Palawan, medyo mabigat ang tama kaya’t nagpadala na kami ng barko na may dala na mga  relief goods para sa mga biktima ni Odette at sasalubungin namin dahil hindi pa yata pwede lumipad ngayon," Marcos said.

He, however, emphasized that aside from food, electricity, and other basic necessities, water has been a critical problem.

"Kaya’t nagpadala kami ng almost 30 tons na tubig sa iba’t ibang lugar pero ang isusunod namin ay 'yong filtration kit. Inaalala natin yung cholera, yung bacteria dahil sa maruming tubig,” Marcos also said.

“Yun mga natutunan namin noong Yolanda eh tubig talaga is the first thing. After nang makapagpadala ng pagkain, tubig ang susunod, na is construction materials dahil yun na nga mga bahay na nasira ay kailangan nating tulungan na makapagtayo ulit o maiayos nila yung nasira sa kanilang bahay dahil sa bagyo, Marcos said.

He added that after bringing back the life of the victims to its relative normalcy, he will focus in helping them rebuild their homes, "dahil kailangan nila ng bubong na masisilungan bilang proteksyon sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay."

Marcos assured the Filipino people that like in the past challenges that the country faced, "we will persevere and come out of this stronger than ever."

"It is my fervent wish this Christmas season that we continue to pray for good health and prosperity, and that God may give us the courage to stand as a united nation, because it is only through unity that we can get back on our feet as we move forward to a brighter future," Marcos said.

-30-

FILIPINO VERSION

Agarang pagbangon mula sa Odette hiling ni BBM; tulong diretsong ibubuhos!

PAGKAKAISA, pagmamahalan, katatagan at agarang pagbangon para sa mga nasalanta ng bagyong Odette ang ilan sa mga kahilingan ngayong Pasko ni Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang relief operation upang maiparamdam sa mga kababayan nating biktima ng bagyo na buhay ang diwa ng Bayanihan ngayong araw ng Kapaskuhan.

"My supporters will continue scouring the remote areas in the provinces that were badly hit by the typhoon to bring the necessary assistance. We will not stop helping them until such time that they will be back on their feet," ani Marcos.

Sa panayam ng DZRH, tiniyak ng dating governor ng Ilocos Norte na bibisitahin pa nila ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang iba pang probinsiyang nasalanta ng bagyo.

Sadyang napakahirap lamang aniya na marating agad ang ibang probinsiya sa kawalan din ng signal ng komunikasyon.

"Hindi pa maaring pumunta at malalayo (ang mga apektadong lugar). Kailan lang lumabas ang balita sa Palawan, medyo mabigat ang tama kaya’t nagpadala na kami ng barko na may dala na mga  relief goods para sa mga biktima ni Odette at sasalubungin namin dahil hindi pa ata pwede lumipad ngayon," wika ni Marcos.

Binigyang-diin ni Marcos na bukod sa pagkain, supply ng kuryente at iba pang pangunahing pangangailangan, isa rin sa malaking problema ngayon ay ang supply ng malinis na tubig.

"Kaya’t nag padala kami ng almost 30 tons na tubig sa iba’t ibang lugar pero ang isusunod namin ay 'yong filtration kit. Inaalala natin yung cholera, yung bacteria dahil sa maruming tubig,” saad niya.

“Yun ang natutunan namin noong Yolanda eh tubig talaga is the first thing. After nang makapagpadala ng pagkain, tubig, ang susunod, ang isusunod na is reconstruction materials dahil ang mga bahay na nasira ay kailangan nating tulungan na makapagtayo ulit o maiayos nila yung nasira sa kanilang bahay dahil sa bagyo, “dagdag pa nito.

Upang makabalikagad sa normal, sinabi rin ni Marcos na dapat ay maisaayos agad ang mga nasirang tahanan ng biktima ng bagyo. “Dahil kailangan nila ng bubong na masisilungan bilang proteksyon sa kanila at sa kanilang mga mahal sa buhay."

Naniniwala si Marcos na sa gitna ng dinaranas na pagsubok ngayon ng bansa, ay mabilis din itong malalampasan ng mga Pilipino.

"It is my fervent wish this Christmas season that we continue to pray for good health and prosperity, and that God may give us the courage to stand as a united nation, because it is only through unity that we can get back on our feet as we move forward to a brighter future," pahabol pa ni Marcos.

- 30 -