BBM plans to add more non-teaching staff in public schools

28 April 2022

ONE of the long-standing complaints of public school teachers is work overload.

That is having to perform other chores that are completely unrelated to their jobs resulting in fatigue and burn-out on their part, that somehow also affect the quality of their teaching.

Fully aware of their predicament, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. plans to expand the number of non-teaching personnel in  public schools to address the situation.

He stressed that one way to maintain high quality education in public schools is to reduce the non-teaching loads of teachers.

Based on studies, many public school teachers have ancillary works that  don’t match with their specialties or expertise.

For example, some teachers also act as librarians or even property custodians.

Others are acting as nurses, canteen in-charge or even athletic heads .

Marcos said he wanted to change this unproductive system by filling the void in every public school and increase the number of non-teaching personnel, to relieve the teachers' from being overburdened with work.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer said  adding non- teaching staff would give teachers more time to prepare for their lessons and focus only on what subjects they were assigned to.

“Matagal nang dinadaing ng ating mga guro ang ganitong sistema, ‘yung additional work, ‘yung non-teaching loads, panahon na para baguhin at matugunan ito, so paano? We need to hire more non-teaching personnel who are qualified for the job, yung tinutukoy ko is yung mga sobrang ginagawa ng mga guro na hindi naman dapat sila gumagawa, ” said Marcos.

“In that case, we can ease the work of the teachers, mabibigyan natin sila ng mahabang oras na makapaghanda, makapag-prepare ng mga lesson sa kung anong subject na ituturo nila, kung minsan kasi yung mga guro natin, teacher na sila nagiging librarian, nurse din sila, may nababalitaan pa tayo na may mga nagbabantay pa ng canteen,” PFP standard bearer added.

Marcos also stated that reducing the extra burden of teachers would also protect their mental health which was obviously affected during this pandemic.

“Nitong pandemic nakita natin kung paano ‘yung naging adjustment ng mga guro, kahanga-hanga naman talaga, pero hindi natin maitatanggi na marami sa mga guro natin ang nahihirapan sa mga gawain, marami ang nai-stress, nadi-depress at labis na naapektuhan ‘yung kanilang mental health,” said Marcos.

In his previous pronouncements, Marcos said he plans to revisit Department of Education (DepEd) K-12 program, aside from that he wanted to do is also to increase the teacher’s salary and provide appropriate benefits for them.

In addition, the former senator is also planning to hire more teachers on permanent status.

“Siyempre, mag-hire pa tayo ng mas maraming permanent teachers, kulang talaga tayo sa mga guro, pero ang pagkaka-alam ko naman yearly ito ginagawa ng DepEd, pabilisan siguro natin ‘yung application nila para mapunan yung kakulangan natin sa mga guro,” he pointed out.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM planong dagdagan ang non-teaching staff sa mga public school

ISA sa matagal nang inirereklamo ng mga guro ang sobrang gawain kaya naman plano ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na dagdagan ang mga ‘non-teaching personnel’ sa bawat pampublikong paaralan.

Aniya isang paraan upang mapanatili ang mataas na kalidad ng pagtuturo sa mga public school ay kung mababawasan ang ‘non-teaching loads’ ng mga guro.

Base sa mga pag-aaral, marami sa mga guro sa mga pampublikong paaralan ang may kanya-kanyang hawak na ‘ancillary works’ na kung minsan ay hindi na angkop sa kanyang ‘specialty’, halimbawa ay teacher na pero librarian pa o di kaya ay property custodian din.

Iyong iba naman ay umaakto ring nurse o di kaya ay athletics director.

Dahil dito, sinabi ni BBM na gusto niyang baguhin ang ganitong sistema sa paaralan, at dahil dito ay balak niyang punuan ang kakulangan sa bawat pampublikong paaralan at magdagdag ng mga ‘non-teaching personnel’ upang maibsan ang overload para sa mga guro.

Sabi pa ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na bibigyan ang mga guro ng mas mahabang oras na makapaghanda sa kanilang lesson at makapag-focus lamang sa kung anong mga subject ang naka-assign sa kanila. 

“Matagal nang dinadaing ng ating mga guro ang ganitong sistema, ‘yung additional work, ‘yung non-teaching loads, panahon na para baguhin at matugunan ito, so paano? We need to hire more non-teaching personnel who are qualified for the job, yung tinutukoy ko is yung mga sobrang ginagawa ng mga guro na hindi naman dapat sila gumagawa, ” sabi ni Marcos.

“In that case, we can ease the work of the teachers, mabibigyan natin sila ng mahabang oras na makapaghanda, makapag-prepare ng mga lesson sa kung anong subject na ituturo nila, kung minsan kasi yung mga guro natin, teacher na sila nagiging librarian, nurse din sila, may nababalitaan pa tayo na may mga nagbabantay pa ng canteen,” dagdag pa ng pambato ng PFP.

Sinabi din ni Marcos na kapag nabawasan ang mga sobrang gawain ng mga guro ay mapapangalagaan din aniya ang ‘mental health’ nila na kitang-kita nitong pandemic.

“Nitong pandemic nakita natin kung paano ‘yung naging adjustment ng mga guro, kahanga-hanga naman talaga, pero hindi natin maitatanggi na marami sa mga guro natin ang nahihirapan sa mga gawain, marami ang nai-stress, nade-depress at labis na naapektuhan ‘yung kanilang mental health,” sabi ni Marcos.

Una nang nabanggit ni Marcos na muli niya bibisitahin ang K-12 program ng Deped, isa rin sa gusto niyang mangyari ay madagdagan ang sahod ng mga guro at maibigay ang mga nararapat na benepisyo.

Bukod pa diyan, balak din ng dating senador na mag-hire pa ng mas maraming permanent teachers, na isa sa nakapaloob sa plataporma ni Marcos na kada-taon din naman na ginagawa ng Department of Education (DepEd).

“Siyempre, mag-hire pa tayo ng mas maraming permanent teachers, kulang talaga tayo sa mga guro, pero ang pagkaka-alam ko naman yearly ito ginagawa ng DepEd, pabilisan siguro natin ‘yung application nila para mapunan yung kakulangan natin sa mga kaguruan,” ayon sa dating senador.

-30-