Join the campaign (Learn More)

BBM: PH must be ready for the recovery of global economy

Press Releases
29 October 2021

Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. said comprehensive planning must be done for the country to be ready as the global economy is now starting to recover from the COVID-19 pandemic.

The Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer said the decision of the Australian government to lift the anti-dumping measure on Philippine pineapple canned products shows that the global economy is starting to recover.

Marcos said this is a good development not only in the agriculture sector but also to the other sectors of the country as it proves that it can also make and strengthen its position in the global economy.

"Eto na nagsisimula nang magbukas ang global economy, mabuti in this particular case nasabayan natin dahil may produkto tayong mai-export sa kanila (Australia). Dapat ang positioning natin sa iba't ibang sector ng global economy ay ganyan din. Kapag nakapagumpisa na sila, ready na dapat tayo na mag-trade, maki-pagnegosyo, maki-pagpartner, or mag-supply sa kanila," he said.

"Kailangan pagplanuhan paano sasabayan ‘yung pagbukas ng mga ibang bansa. Kapag nagre-recover na ang ekonomiya ng ibang bansa kailangan nakahanda tayo para sabayan natin ‘yung kanilang pagbukas at kanilang pag-ahon. Kailangan makapagplano kung saan pupwesto sa recovery ng global economy," he said.

Marcos said such a plan is included in his "Tawid COVID, Beyond COVID" program which aims to provide measures and strategies on how the Filipinos and the Philippine economy can improve their lives while in the midst of pandemic and even beyond it.

His plan involves strategies to address and give solutions to the problems of different sectors such as agriculture, energy, telecommunication, infrastructure, education, health and many others.

"Una nating kailangan magawa ay tawirin itong COVID, dapat makalabas tayo at masabing nasa likod na natin ito. Hindi masabi na mawawala ‘yan pero dapat ma-manage na natin kung makita natin sa ibang bansa umabot na sila sa ganyan," he said.

"Lahat yan ay kailangan gawin para makasabay tayo sa development ng global economy," Marcos said.

-30-

FILIPINO Version

Pagbubukas ng global economy dapat paghandaan ng Pilipinas - Bongbong

Masusing pagpaplano ang kailangan upang maging handa ang bansa ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya mula sa krisis na dulot ng COVID-19, ayon kay Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Nakita ni Marcos, standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas, ang pangangailangan matapos magdesisyon ang gobyerno ng Australia na alisin na ang ban sa canned pineapple products na galing sa Pilipinas.

Aniya isa itong magandang development hindi lang para sa sektor ng agrikultura kundi sa iba pang sektor ng Pilipinas dahil pinakita nito na maari na silang maghandang pumuwesto ngayong nagsisimula nang bumangon ang global na ekonomiya.

"Eto na nagsisimula ng magbukas ang global economy, mabuti in this particular case nasabayan natin dahil may produkto tayong mai-export sa kanila (Australia). Dapat ang positioning natin sa iba't ibang sector ng global economy ay ganyan din. Kapag nakapagumpisa na sila, ready na dapat tayo na mag-trade, makipagnegosyso, makipagpartner, or magsupply sa kanila," ayon kay Marcos.

"Kailangan pagplanuhan paano sasabayan yung pagbukas ng mga ibang bansa. Kapag nagre-recover na ang ekonomiya ng ibang bansa kailangan nakahanda tayo para sabayan natin yung kanilang pagbukas at kanilang pag-ahon. Kailangan makapagplano kung saan pupwesto sa recovery ng global economy," dagdag pa niya.

Pahayag pa ni Marcos, ang ganitong istratehiya ay kasama sa kanyang "Tawid COVID, Beyond COVID" program na naglalayong makagawa ng mga hakbang kung paano makakatulong sa taumbayan at sa ekonomiya ng bansa habang nasa kalagitnaan ng pandemiya at patungo sa panahon na nasa likod na lang ng bansa ang COVID-19.

Kasama sa programa ang pagbuo ng mga istratehiya ang pagbibigay solusyon sa mga problema ng iba't-ibang sektor gaya ng agrikultura, enerhiya, telecommunication, imprastraktura, edukasyon, kalusugan, at iba pa.

"Una nating kailangan magawa ay tawirin itong COVID, dapat makalabas tayo at masabing nasa likod na natin ito. Hindi masabi na mawawala yan pero dapat ma-manage na natin. Kung makita natin sa ibang bansa umabot na sila sa ganyan," pahayag ng Presidential aspirant.

"Lahat yan ay kailangan gawin para makasabay tayo sa development ng global economy," dagdag pa ni Marcos.

-30-