BBM lauds teachers, poll workers, volunteers for their heroism, sacrifice

16 May 2022

INCOMING President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. has expressed his gratitude to hundreds of thousands of teachers, poll workers and volunteers who took to the frontlines in ensuring the peaceful, honest, orderly and credible conduct of the historic May 9 elections.

Marcos described as awe-inspiring the heroism and sacrifice shown by the teachers, poll watchers and volunteers throughout the country in ensuring that the last election would be held smoothly and successfully.

“Talaga namang pinahanga ninyo kami ng husto. Ang ipinakita ninyong pagmamalasakit at sakripisyo ang isa sa gagamitin naming inspirasyon ni Vice President-elect Inday Sara Duterte para paglingkuran ng maayos ang ating bansa,” Marcos said.

“Nakita namin ang inyong hirap at sakripisyo. Iyong pagtitiyaga sa kabila ng mainit na panahon, pagkapuyat, pagod, pawis at panganib. Wala po tayong magamit na isang salita upang maipaabot namin ni Inday Sara ang taos-puso naming pasasalamat sa inyo,” he added.

Aside from them, Marcos also saluted the entire Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) and all force multipliers who stood their ground against lawless elements, and displayed utmost patience and bravery in maintaining peace and order throughout the entire campaign period until the actual election day.

“You (soldiers and police officers) have shown remarkable professionalism and dedication in performing your sworn duties. Your courage and heroism have helped the entire nation in hurdling the many challenges brought by the past elections,” he said.   

P3K additional allowance

At the same time, Marcos said he was in favor of the Department of Education's (DepEd) request to give an additional P3,000 allowance to all teachers and non-teaching personnel who served as members of the Electoral Board.

In a letter submitted by DepEd Sec. Leonor Briones, she asked Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, to give an additional P3,000 to all the teachers who provided election services.

Marcos stressed that Sec. Briones the amount is justifiable pointing out that the services and sacrifices they provided were actually unquantifiable.

He also expressed hope that the compensations, honoraria and other allowances of all teachers will be given before May 24 as stipulated in Comelec Resolution No. 10727.

It was gathered that around 647,812 DepEd personnel performed services and duties in the last elections.

Of the said number, about 319,000 teachers sat as members of the electoral board, while 200,000 DepEd personnel served as supervisory election officials, in collaboration with the Comelec personnel.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM tinawag na kahanga-hanga ang kabayanihan ng mga guro, poll watchers at volunteers

ISANG linggo matapos ang makasaysayang May 9, 2022 elections, buong kababang-loob na pinasalamatan ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang daang libong mga guro, poll workers at mga volunteers na nagsakripisyo upang maging mapayapa, tapat, maayos at kapani-paniwala ang nakalipas na halalan.

Ayon kay Marcos, kahanga-hanga ang ipinakitang kabayanihan ng lahat ng mga guro, volunteers at mga poll watchers na itinaya ang kanilang mga sarili matiyak lamang na magiging maayos ang nagdaang eleksiyon.

Maliban sa kanila, sinasaluduhan din ni Marcos ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga force multipliers na buong giting na nagbantay upang masiguro ang katahimikan ng bayan sa panahon ng halalan.

“Nakita namin ang inyong hirap at sakripisyo.  Iyong init ng panahon, pagkapuyat, pagod pawis at panganib ay hindi niyo inalintana upang magampanan niyo ng maayos ang inyong tungkulin at maipatupad ng maayos ang ating halalan,” sabi ni Marcos.

“Wala po kaming mahanap na isang salita upang maipaabot namin ni (Vice-President-elect) Inday Sara Duterte ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyo,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang isa pa sa nakahahangang ipinakitang kabayanihan at malasakit ng mga guro at poll workers ay gumanap sila sa kanilang tungkulin sa kabila ng panganib na dala ng pandemya.

“Maraming-maraming salamat po sa inyo, mga teachers, poll workers at volunteers. Gayundin sa ating mga pulis, militar at mga katuwang nila sa pagbabantay sa ating bayan nitong nakalipas na halalan. Ang inyong hirap, pagod at sakripisyo ay hindi makakalimutan ng sambayanan kailanman,” ani Marcos.

 P3K dagdag bayad

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na pabor siya sa kahilingan ng Department of Education (DepEd) na bigyan pa ng karagdagang P3,000 ang lahat ng guro at non-teaching personnel na nagsilbing miyembro ng Electoral Board.

Sa sulat na ipinaabot ni DepEd Sec. Leonor Briones, hiniling nito kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, na bigyan ng karagdagang P3,000 ang lahat ng mga gurong nagbigay ng serbisyo at sakripisyo ngayong halalan.

Binigyang-diin ni Marcos na maliit na bagay ang hinihingi ni Sec. Briones dahil ang kadakilaang ipinamalas ng mga guro sa nagdaang halalan ay hindi matutumbasan ng anumang halaga.

Umaasa rin si Marcos na maibibigay ang mga compensation, honoraria at iba pang allowances ng lahat ng guro bago dumating ang May 24 na siyang itinatadhana ng Comelec Resolution No. 10727.

Nabatid na umabot sa 756,083 mula sa iba’t ibang institusyon ang nagsilbing ‘poll workers’ noong halalan. Karamihan sa mga ito o kabuang 647,812 ay mga DepEd personnel.

May 319,000 mga guro ang umupo bilang miyembro ng electoral board, samantalang 200,000 DepEd personnel ang nagsilbi namang supervisory official ng halalan, katuwang ang Comelec.

-30-