BBM eyes more international gateways in CDO

27 April 2022

UniTeam presidential bet Ferdinand 'Bongbong' Marcos wants to build more international airports in Cagayan De Oro City, Misamis Oriental should he and his running mate Mayor Inday Sara Duterte win in the forthcoming presidential elections on May 9.

Visibly elated by the countless supporters who attended the UniTeam’s grand rally held at the Pelaez Sports Complex, Marcos said that in line with their plan to boost the country’s tourism industry, their administration would build more international airports.

“Ang isa pa naming gagawin ay pagagandahin namin ang industriya ng turismo. Kaya naman po maglalagay tayo ng mga airport para hindi na kailangang dumaan sa Maynila ang mga bisita. Siguro ‘yung Laguindingan pwede nang international airport para lahat ng gustong bumisita sa inyo ay diretso nang pupunta ng CDO nang makita kung gaano kaganda ang MisOr, kung gaano kaganda ang mga taga-Misamis Oriental,” he told the exuberant crowd.

Currently, Laguindingan Airport while also referred to as Laguindingan International Airport, is classified as a Principal Domestic Airport Class 1.

Once upgraded, it is seen to boost economic activities, especially in the Cagayan-Iligan Corridor, and serve as the main gateway to Northern Mindanao.

Laguindingan Airport is Mindanao’s second busiest airport after Francisco Bangoy International Airport in Davao City.

As of 2019, Laguindingan Airport is the sixth-busiest airport in the country, with an estimated two million passengers passing through it annually.

Meanwhile, Marcos also expressed his gratitude to the tens of thousands of supporters clad in red and green that filled the sports complex and the hundreds, if not thousands more standing by the roads leading to the sports complex, for the warm reception the UniTeam received.

“Maraming, maraming salamat Cagayan de Oro, Misamis Oriental sa napakainit na salubong  ninyo sa UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte. Kanina umulan ng kaunti. Kahit lumamig pa ang hangin pero hindi na maramdaman ang lamig dahil napakainit ng inyong salubong na ibinigay sa amin…Nakakataba po ng puso na marinig at maramdaman ang inyong pahayag ng suporta at tiwala,” the presidential frontrunner said.

“Kaya talaga naman, kami ni Inday Sara, ay hindi namin masusuklian ang inyong pagmamahal at pagsuporta. Ang maisusukli lang namin ay ang aming trabaho at sa serbisyo ay ipinapangako namin na ibibigay namin sa lahat ng mamamayang Pilipino sa buong Pilipinas para tayo ay gumanda ang ating sitwasyon dito sa Mindanao,” he added.

Marcos was introduced by Gov. Yevgeny Vicente Emano, who endorsed him as president and Duterte as vice president.

Emano’s endorsement was met with loud cheers of approval by the colossal crowd, who also kept cheering “BBM!” or “panalo ka na!”

Earlier in the day, Marcos had lunch with Congressman Rolando ‘Klarex’ Uy and Vice Mayor Joaquin ‘Kikang’ Uy.

He also had a brief meeting with Governor Philip Tan and other local officials of Misamis Occidental, as well as Governor Jurdin Jesus "JJ" Modina Romualdo and other Camiguin officials.

-30-

BBM magtatayo ng bagong international airport sa CDO

DAGDAG na mga international airport ang nais itayo ni presidential frontrunner dating Sen. Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. sa Cagayan De Oro City, Misamis Oriental at sa rehiyon ng Mindanao kapag sila ng kanyang running mate na si Mayor Inday Sara Duterte ang nanalo sa darating na halalan.

Sinabi ni Marcos sa libo-libong taga-suporta na dumalo sa grand rally ng UniTeam na ginanap sa Pelaez Sports Complex na bilang parte ng pagpapalakas ng turismo sa bansa, nais niyang magtayo ng mas maraming international airport.

“Ang isa pa naming gagawin ay pagagandahin namin ang industriya ng turismo. Kaya naman po maglalagay tayo ng mga airport para hindi na kailangang dumaan sa Maynila ang mga bisita. Siguro ‘yung Laguindingan pwede nang international airport para lahat ng gustong bumisita sa inyo ay diretso nang pupunta ng CDO nang makita kung gaano kaganda ang MisOr, kung gaano kaganda ang mga taga-Misamis Oriental,” sabi niya.

Sa ngayon, ang Laguindingan Airport o kilala ring Laguindingan International Airport, ay tinuturing na Principal Domestic Airport Class 1.

Sa oras na ito ay mas mapaganda at gawing mas moderno, nakikita ni Marcos na mas maiaangat nito ang ekonomiya ng lalawigan, lalo na sa Cagayan-Iligan Corridor, at magiging main gateway patungong Northern Mindanao.

Ang Laguindingan Airport ay ang ikalawa sa pinakadinadaanang paliparan sa Mindanao at pang-anim naman sa buong bansa base sa datos noong 2019.

Samantala, nagpasalamat naman si Marcos sa mga taga-suporta ng UniTeam sa kanilang pagpuno sa sports complex na halos umabot sila sa labas ng kalsada, suot-suot ang kanilang kulay pula at berdeng mga t-shirts at mainit na pagtanggap sa kanila.

“Maraming, maraming salamat Cagayan de Oro, Misamis Oriental sa napakainit na salubong  ninyo sa UniTeam at sa tambalang Marcos-Duterte. Kanina umulan ng kaunti. Kahit lumamig pa ang hangin pero hindi na maramdaman ang lamig dahil napakainit ng inyong salubong na ibinigay sa amin…Nakakataba po ng puso na marinig at maramdaman ang inyong pahayag ng suporta at tiwala,” sabi niya.

“Kaya talaga naman, kami ni Inday Sara, ay hindi namin masusuklian ang inyong pagmamahal at pagsuporta. Ang maisusukli lang namin ay ang aming trabaho at sa serbisyo ay ipinapangako namin na ibibigay namin sa lahat ng mamamayang Pilipino sa buong Pilipinas para tayo ay gumanda ang ating sitwasyon dito sa Mindanao,” dagdag pa niya.

Si Gov. Yevgeny Vicente Emano, na nauna nang inendorso ang tambalang Marcos-Duterte, ang nagpakilala kay Marcos.

Bago pa ang rally, nagkaroon ng maikling pagtitipon si Marcos kasama si Congressman Rolando ‘Klarex’ Uy at Vice Mayor Joaquin ‘Kikang’ Uy.

Nakipagkita din siya kay Governor Philip Tan at iba lang local officials ng Misamis Occidental, ganun din kay Governor Jurdin Jesus "JJ" Modina Romualdo at ibang opisyales ng Camiguin.

-30-