BBM extremely grateful; 100K strong Caviteños show up in UniTeam’s political rally

23 March 2022

THE province of Cavite remains steadfast in its unwavering support for the tandem of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate Mayor Inday Sara Duterte.

This was proven yet again when more than 100,000 people showed up and reiterated their strong support to the UniTeam during the ticket’s return to Cavite on Tuesday.

According to the local organizers, some100,000 UniTeam supporters went to the General Trias Oval to personally see and meet presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos and his running mate, na si Inday Sara Duterte.

"More or less 100,000. Hindi lang naman sa loob ang aming binilang, pati mga hindi nakapasok," he said seconding the statement given by Governor Jonvic Remulla that almost 100,000 attended the grand rally.

Marcos is very grateful and thankful for the massive crowd who welcomed the UniTeam.

“Ako ay nagulat. Mula pagpasok ko dito hindi ko akalain na ganito tayo karami,” he said.

The show of force was not only seen during the grand rally, as very early in the morning, supporters started trooping to the covered court of Barangay San Juan in Dasmarinas where resounding cheers of support welcomed Marcos and Duterte when they arrived for the first event of the UniTeam’s campaign sortie.

“Napakalaki ng aming utang na loob sa inyo na kayo’y nakapunta, at higit sa lahat, nagbigay sa UniTeam ng napaka-init na salubong mga mahal kong Caviteño,” Marcos said.

The presidential bet also pointed out that there was no need to expound on the UniTeam’s unity advocacy since it was clear that the province has already embraced the advocacy.

“Sa aming pag-iikot ng UniTeam, nakakataba ng puso dahil ganito kainit ang salubong na ibinibigay sa amin. Ito ay nagpapahayag hindi lang ng suporta para sa akin, para kay Inday Sara, para sa mga senador kung hindi suporta sa kilusan ng pagkakaisa na aking sinimulan sa kampanyang ito,” he said.

Meanwhile, Senator Bong Revilla Jr. expressed his belief that the victory of a candidate is written in the stars and that Marcos is destined to become the country’s next president.

“Ngayon pa lang nakikita na natin sa mga survey na overwhelming na. Kaya mga taga- Dasmariñas huwag ng magpatumpik-tumpik pa, todo ang suporta ng mga Caviteño sa UniTeam,” he said.

For his part, Cavite Governor Jonvic Remulla attributed the development of the province to the Marcoses as he reiterated his call for his constituents to support the UniTeam.

“Lahat ng nangyari sa Cavite, lahat ng kaunlaran sa Cavite ay dahil sa mga Marcos! Ipakita natin ang ating suporta, pagmamahal para sa susunod na pangulo ng Pilipinas!” he said.

Marcos proceeded to the second mini-rally held at Barangay Paliparan 3 after a mini-motorcade that was made slow-moving due to the volume of residents, who wanted to catch glimpses of Marcos and Duterte, waiting by the roadsides.

Not only that the BBM-Sara tandem received a warm welcome from Caviteños but also the whole UniTeam senatorial line up who joined them.

Marcos and Duterte also had a chance to have a meet and greet with local and barangay officials of Cavite where they vowed to give them the all-out support they need, same as how they give support not only for the UniTeam but for their constituents.

- 30 -

FILIPINO VERSION

BBM nagpasalamat, UniTeam mainit na tinanggap ng mahigit 100K Caviteño

UMAAPAW na suporta ang ipinadama ng lalawigan ng Cavite ng kanilang mainit na tinanggap ang UniTeam nitong Martes.

Ayon sa mga local organizers, mahigit kumulang 100,000 taga-suporta ang pumunta sa General Trias Oval upang makita ng personal sina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte.

“More or less 100,000. Hindi lang naman sa loob ang aming binilang, pati mga hindi nakapasok,” sabi nito.

Pinatotohanan nito ang sinabi ni Governor Jonvic Remulla sa media na umabot ng 100,000 mahigit ang lahat ng dumalo sa grand rally.

Laking tuwa at ‘di makapaniwala si Marcos at Duterte sa suportang kanilang nakita mula sa mga Caviteño.

“Ako ay nagulat. Mula pagpasok ko dito hindi ko akalain na ganito tayo karami,” sabi ni Marcos.

Hindi lang sa grand rally nagpakita ng lakas ang Cavite, umaga pa lang ay napuno na ng mga tagasuporta ang covered court sa Barangay San Juan, Dasmariñas kung saan ginanap ang unang event ng UniTeam.

“Napakalaki ng aming utang na loob sa inyo na kayo’y nakapunta, at higit sa lahat, ‘di lang nakarating, kundi nagbigay sa UniTeam ng napaka-init na salubong mga mahal kong Caviteño,” sabi ni Marcos.

Ayon kay Marcos, tila hindi na kailangan ipaliwanag ang pagkakaisa sa mga Caviteño dahil para sa kanya ay nakamit na ng Cavite ang pagkakaisa.

“Sa aming pag-iikot ng UniTeam, nakakataba ng puso dahil ganito kainit ang salubong na ibinibigay sa amin. Ito ay nagpapahayag hindi lang ng suporta para sa akin, para kay Inday Sara, para sa mga senador kung hindi suporta sa kilusan ng pagkakaisa na aking sinimulan sa kampanyang ito,” wika niya.

Ayon naman kay Senador Bong Revilla Jr. naniniwala siya na ang tagumpay ng isang kandidato ay isang “destiny” at para sa kanya ay nakatakda talagang maging pinuno ng bansa si Marcos.

“Ngayon pa lang nakikita na natin sa mga survey na overwhelming na. Kaya mga taga- Dasmariñas wag nang magpatumpik-tumpik pa, todo ang suporta ng mga Caviteño sa UniTeam,” ani Revilla.

Ipinagmalaki naman ni Cavite Governor Remulla ang mga naitulong ng mga Marcos para sa kanilang lalawigan gaya ng pabahay.

“Lahat ng nangyari sa Cavite, lahat ng kaunlaran sa Cavite ay dahil sa mga Marcos!” sigaw ni Remulla.

“Ipakita natin ang ating suporta, pagmamahal para sa susunod na pangulo ng Pilipinas!” dagdag niya.

Matapos ang mini-caravan ng UniTeam kung saan masayang sinalubong si Marcos ng mga taga-suportang nais siyang makita ng personal ay agad siyang nagtungo sa pangalawang mini rally sa Barangay Paliparan 3 kung saan tila hindi rin matigil ang suporta para sa nangungunang tambalan.

Hindi lang ang tambalang Bongbong at Inday Sara Duterte ang nakatanggap ng mainit na suporta mula sa UniTeam kung hindi ang kanilang buong senatorial line-up.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Marcos at Duterte na makausap ang mga lokal at barangay na lider sa Cavite kung saan suporta ang kanyang pangako sa kanila, gaya ng suportang binibigay ng mga ito, hindi lang sa UniTeam kung hindi pati na din sa kani-kanilang nasasakupan.

- 30 -