Join the campaign (Learn More)

BBM ENVISIONS MORE SUCs IN THE COUNTRY

Press Releases
29 November 2021

The government should build more state universities and colleges (SUCs) in the country if it wants to hone and develop more Filipino professionals for the country’s workforce.

According to Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., it is his dream to establish SUCs in every province in the Philippines.

At present, SUCs have only 112 main campuses in the Philippines with a total of 421 satellite campuses.

Central Luzon has 12 main SUCs; Western Visayas has 11 SUCs; Eastern Visayas has 10; nine in Bicol region, eight in NCR, five to six each in Zamboanga Peninsula, Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Central Visayas, Northern Mindanao, MIMAROPA, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao Region, four in Caraga and only three in Socskargen.

If the construction of various public colleges and universities in every corner of the country continues, it will be a big help for financially challenged parents who want excellent education for their children, but also that people living in rural areas need not migrate and add to the overcrowding of cities.

Marcos recognizes the characteristic excellence of provincial students who often land on the Top 10 in board and bar exams.

“Palibhasa, mas determinado silang makapagtapos sa pag-aaral kaya dapat talaga tuluy-tuloy ang pagpapatayo ng SUCs sa probinsiya. Tulong man iyan mula sa national o local government,” anang Marcos.

At the same time, the former senator believes that the construction of various “Centers for Excellence” (COE) and “Centers of Development” (COD) should be strengthened to further enhance the skills, competence and intelligence of Filipino students. 

Marcos, on the other hand, takes note about the increasing number of students enrolling on the first day of school, but are later dropping out because of financial issues.

“Nalulungkot po tayo sa report na ganyan. Iba’t iba ang dahilan kaya maraming estudyante ang nag-eenroll pero hindi nakaka-graduate. Marami riyan problema sa pera kasi mahal nga naman ang matrikula, libro, pamasahe at baon sa eskuwela. Iyong iba naman ay posibleng nawawalan ng interes sa pag-aaral. Kaya dapat maliban sa pagpapalakas sa mura at kalidad ng edukasyon ay maiparamdam sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon, lalo na kung makikita ng bawat isa sa ating estudyante ang kanilang sariling kakayahan at kagalingan,” he added.

Marcos had earlier cited the recent P10 billion budget cut in education for 2022 as a big unwanted pushback in the country’s mission to provide quality education for all.

It was learned that from the P62.3 billion budget proposed by the Commission on Higher Education, it was cut to P52.6 billion as recommended by the Department of Budget and Management.

"How can our country progress if education remains in dire straits because the institutions in-charge cannot operate well for lack of budget?" Marcos added.

He said  regardless of the situation in the country, whether there is a pandemic or not, education should always be a priority, not deprived of the much needed government financial support.

###

FILIPINO VERSION

MARCOS NAIS DAGDAGAN ANG MGA SUCs SA BANSA

Isusulong ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na makapagpatayo pa ng maraming State Universities and Colleges (SUCs) sa mga lalawigan upang mas mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pilipino na makapag-aral.

Binigyang-diin ni Marcos na kailangang unahin ang edukasyon sa bansa kaya ang pagpapatayo ng dagdag pang mga paaralan ay mas makakatulong upang mapahusay ang kakayahan, kagalingan at kaalaman ng mga mag-aaral.

Ito rin aniya ay magbibigay oportunidad sa mga mahihirap na pamilya upang mapag-aral ang kanilang mga anak nang hindi inaalala ang tumataas na matrikula.

Sa kasalukuyan, may 112 main campuses lamang ang SUCs sa Pilipinas na may kabuuang 421 satellite campuses.

Ang Central Luzon ay may 12 main SUCs;  ang Western Visayas ay may 11 SUCs; may 10 ang Eastern Visayas; siyam sa Bicol region, walo sa NCR, tig-lima hanggang anim sa Zamboanga Peninsula, Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Central Visayas, Northern Mindanao, MIMAROPA, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Davao Region, apat sa Caraga at tatlo lamang sa Soccsksargen.

Aniya, ang pagpapatayo ng iba’t ibang pampublikong kolehiyo at unibersidad ay makakatulong upang hindi na magsiksikan sa kalunsuran ang mga kababayang nakatira sa kanayunan at mabigyan ang mga mag-aaral sa lalawigan ng oportunidad na makapagtapos sa kolehiyo at maging maunlad sa darating na panahon.

Kinikilala rin ni Marcos ang kagalingan ng mga estudyanteng probinsiyano na madalas na  nasa Top 10 ng anumang board at bar exam.

“Palibhasa mas determinado silang makapagtapos sa pag-aaral kaya dapat talaga tuluy-tuloy ang pagpapatayo ng SUCs sa probinsiya. Tulong man iyan mula sa national o local government,” aniya.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Marcos sa P10 billion na tinapyas mula sa P62.3 billion na proposed budget ng Commission on Higher Education.

"How can our country progress if education remains in dire straits because the institutions in charge cannot operate well for lack of budget?" sabi ni Marcos.

Napansin din ni Marcos ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na pumasok lamang sa unang araw ng klase ngunit nag-drop out din sa kalagitnaan ng school year dahil sa problemang pinansyal.

-30-