BBM could garner 36.4 million votes; poised to win by staggering 19.5 million votes over Robredo—Pulse Asia

8 April 2022

PRESIDENTIAL frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., could be the first “majority president” in the country under a multi-party setup, after maintaining his enormous lead against his rivals in the May 9, 2022 national polls based on the most recent Pulse Asia survey results.

Based on the results of Pulse Asia’s pre-election polls released on Wednesday, Marcos remained well-entrenched on top, scoring a dizzying 56% voter preference.

At distant second was Leni Robredo with 24% while Isko Domagoso scored 8%.

Manny Pacquiao, meanwhile, settled for fourth with 6%, while Panfilo Lacson got 2%.

In an interview over SMNI, Ana Tabunda, Research Director of Pulse Asia revealed that if we convert the 56 percent of Marcos to votes, it is equivalent to about 36.5 million of the total 65 million registered voters in the country.

“Well, ngayon lang kami nakakita ng ganyan kalaking lamang sa buong experience namin. Kauna-unahang pagkakataon ito na mayroong nag-majority voter preference na presidential candidate,” Tabunda said adding that this is the first in history that a presidential candidate has been able to maintain his 50-plus percentage voter preference throughout the duration of the presidential race.

Marcos was leading by 32 percent margin points and if it is converted into votes, it could be around 19.5 million, which was even higher than the more than 16 million votes Pres. Rodrigo Duterte obtained in the 2016 presidential polls, Tabunda said.

“Yung lamang niya (with Robredo) 32 percent of 65 million voters sir, mga 19.5 million votes sir,” Tabunda noted.

Tabunda also maintained that Marcos continues to dominate with an almost insurmountable lead that even the slight dip in his latest survey number has hardly made a dent.

“Hindi naman po kasi significant yung four percent na decline,” Tabunda said.

“Medyo mahirap po siya (Robredo to catch up), kasi nga po itong huling pagtaas ni Leni ay nine points. Para po makahabol ay kailangang niya ng 16 points tapos kailangang mabawasan si BBM ng 16 points sa darating na araw bago ang eleksyon. Medyo mahirap siya (mangyari),” she explained.

“Maaring magbago, ang tanong e kung makakahabol pa. Hindi naman imposible pero medyo mahirap po kasi 32 points yung gap,” she stressed.

-30-

FILIPINO VERSION

BOTO NI BBM AABOT SA 36.4M; TATAMBAKAN SI ROBREDO NG 19.5 M —PULSE ASIA

POSIBLENG si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr., ang kauna-unahang “majority president” sa bansa sa ilalim ng multi-party setup, matapos mapanatili ang malaking lamang laban sa kanyang mga katunggali sa darating na halalan sa Mayo 9.

Base sa resulta ng Pulse Asia survey nitong Miyerkules, nanatiling matatag si Marcos sa unang posisyon matapos makakuha ng 56% voter preference.

Nasa malayong pangalawa si Leni Robredo na umiskor ng 24% habang si Isko Domagoso ay pangatlo na may 8%.

Si Manny Pacquiao, ay nakakuha naman ng anim na porsyento habang si Panfilo Lacson ay mayroong 2%.

Sa panayam ng SMNI, sinabi ni Ana Tabunda, Research Director ng Pulse Asia na kung iko-convert ang 56 porsyento ni Marcos sa boto, ito ay aabot sa 36.5 milyon mula sa kabuuang 65 million registered voters sa bansa.

“Well, ngayon lang kami nakakita ng ganyan kalaking lamang sa buong experience namin. Kauna-unahang pagkakataon ito na mayroong nag-majority voter preference na presidential candidate,” ani Tabunda kasabay ng pahayag na kauna-unahan ito sa kasaysayan na napanatili ng kandidato sa pagka-pangulo ang 50-plus voter preference sa buong panahon ng kampanya.

Lamang si Marcos ng 32 porsyento at kung susumahin sa boto, ito ay aabot sa 19.5 milyong boto, o mas mataas pa sa boto na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigit 16 milyon noong nakaraang halalan noong 2016, ani Tabunda.

“Yung lamang niya (with Robredo) 32 percent of 65 million voters sir, mga 19.5 million votes sir,” ayon kay Tabunda.

Nilinaw din ni Tabunda na sa kabila ng pagbaba ng bahagya ng bilang ni Marcos sa kanyang numero ay nananatiling mahirap para mahabol ito ng kanyang mga katunggali.

“Hindi naman po kasi significant yung four percent na decline,” giit ni Tabunda.

“Medyo mahirap po siya (para kay Robredo na humabol), kasi nga po itong huling pagtaas ni Leni ay nine points. Para po makahabol ay kailangang niya ng 16 points tapos kailangang mabawasan si BBM ng 16 points sa darating na araw bago ang eleksyon. Medyo mahirap siya (mangyari),” paliwanag pa niya.

“Maaring magbago, ang tanong e kung makakahabol pa. Hindi naman imposible pero medyo mahirap po kasi 32 points yung gap,” ayon pa sa research director.

-30-