BBM COMPETENT TO CONTINUE WHAT MY FATHER STARTED – BASTE

30 January 2022

Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte has full confidence in the ability of Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. as the next president of the Philippines.

At the recently concluded Kudaraten Festival 2022 on Saturday, January 29, Baste took the place of his sister Davao City Mayor Sara Duterte, who could not attend the said event, and boldly announced his support for the BBM-SARA UniTeam.

For Baste, Bongbong is the only candidate running for the presidency in the coming elections in May who is capable of continuing the good programs and projects successfully initiated by his father, President Rodrigo Roa Duterte.

"Kaya nga si Mayor Inday ang gusto niyang Presidente si Bongbong Marcos because Bongbong Marcos is the only way forward to continue this narrative,” explained Baste.

Baste added that he has a lot of trust in Bongbong and what former president Ferdinand Marcos, Sr. started but unfortunately neglected by the following administrations. Baste held that Bongbong can continue what his father PRRD has started for a more progressive country.

"Ito kwento lang ‘to pero malaki talaga ang tiwala ko, tiwala talaga ako d’yan because we can see remnants of the Marcos administration before, hindi lang natuloy. We all know that, kita nating lahat, if you want consistency  na katulad nung ginawa ni PRRD, then I cannot see any other candidate kundi si Bongbong Marcos lang talaga," said Baste.

Like his father PRRD, the Davao City vice mayor testified that Marcos had a good vision for the country and that he is running for president not for personal interest and not for one person only but for the good of every Filipino.

"Ambitious, but not for the individual, it is for the collective good of the country, iyon man talaga nakita natin," according to the President's son.

Baste also thanked the residents and local government unit officials of Sultan Kudarat for the warm welcome he received, for their support to his father's leadership, and for backing the BBM-Sara UniTeam.

"Maraming salamat  for the warm welcome and for accepting my sister. Marami ring salamat sa pagtanggap ninyo sa aming pamilya dito. I'm very thankful sa inyo, sa inyong pinakita na suporta lalo na sa dinala na presidente ng aking kapatid, si Bongbong Marcos. Sa inyong pinakita na suporta maraming salamat," the vice mayor concluded.

-30-

 FILIPINO VERSION

BBM ANG MAKAPAGPAPATULOY NG MAGANDANG NASIMULAN NG AKING AMA – BASTE

BUO ang tiwala ni Davao City Vice Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte sa kakayahan ni Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.

Sa katatapos lang na Kudaraten Festival 2022 noong Sabado, January 29, humalili si Baste para sa kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang buong tapang na inihayag ang kanyang suporta para sa tambalang BBM-SARA UniTeam.

Para kay Baste, si Bongbong lang ang tanging tumatakbo sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo ang may kakayahang ituloy ang magandang nasimulan ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

"Kaya nga si Mayor Inday ang gusto niyang presidente si Bongbong Marcos because Bongbong Marcos is the only way forward to continue this narrative,” paliwanag ni Baste.

Dagdag pa ni Baste, malaki ang tiwala niya kay Bongbong at sa nasimulan ng dating pangulo na si Ferdinand Marcos, Sr. na napabayaan lang ng mga nakaraang administrasyon. Naniniwala si Baste na maitutuloy ni Bongbong ang magandang nasimulan ng ama na si PRRD para sa mas progresibong bansa.

"Ito kwento lang ‘to pero malaki talaga ang tiwala ko, tiwala talaga ako dyan because we can see remnants of the Marcos administration before, hindi lang natuloy. We all know that, kita nating lahat, if you want consistency  na katulad nung ginawa ni PRRD, then I cannot see any other candidate kundi si Bongbong Marcos lang talaga," sabi ni Baste.

Tulad ng kanyang ama na si PRRD, may magandang vision si Marcos sa bansa at naniniwala siya na ginagawa niya ito hindi para sa personal na interes at sa iisang tao lang kundi para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.

"Ambitious, but not for the individual, it is for the collective good of the country, iyon man talaga nakita natin," ayon sa anak ng Pangulo.

Nagpapasalamat din si Baste sa mga residente at mga local government unit officials ng Sultan Kudarat sa mainit na pagtanggap sa kanya at lalong-lalo na sa kanilang suporta sa pamumuno ng ama at maging sa tambalang BBM-Sara UniTeam.

"Maraming salamat for the warm welcome and for accepting my sister. Marami ding salamat sa pagtanggap ninyo sa aming pamilya dito. I'm very thankful sa inyo, sa inyong pinakita na suporta lalo na sa dinala na presidente ng aking kapatid,  si Bongbong Marcos. Sa inyong pinakita na suporta maraming salamat," bilang pangwakas na pahayag ng nakababatang Duterte.

-30-