BBM chalks runaway 63% in latest Laylo Research survey; maintains 46% lead over nearest rival

3 March 2022

PARTIDO Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. has recorded a commanding and virtually unreachable 46% voter preference lead over his nearest rival in the presidential race, according to the latest Laylo Research pre-election survey conducted from February 14 to 21, 2022.

This, after Marcos posted a solid 63% voter preference among the 3,000 respondents in the survey, proving once more that he has the support of the majority of Filipinos, with 6 out of 10 voters choosing him over the other candidates.

Meanwhile, miles away is Leni Robredo, who only got 17%.  Tied for the third spot with seven percent apiece are Manila Mayor Isko Moreno and Sen. Manny Pacquiao, followed by Sen. Ping Lacson with three percent.

Marcos also dominated the major voting areas with voter preferences at NCR-61%, North/Central Luzon-80%, South Luzon/Bicol-48%, Visayas 53%, and Mindanao with 71%.

The voter preference by region also showed that the Solid North voting bloc stands behind the UniTeam as Marcos posted 80% in North/Central Luzon, 86% in the Cordillera Administrative Region (CAR), 91% in Ilocos, and 98% in Cagayan Valley. 

Among the top reasons why respondents preferred Marcos over the other candidates were his distinguished public service career, his achievements as local chief executive of Ilocos Norte, and his intelligence which shows a clear grasp on issues.

Political pundits have also started referring to Marcos as a 'Teflon' candidate because his survey numbers continue to remain high amid unrelenting criticisms from other presidential bets.

The UniTeam previously said that it would not engage in negative campaigning, a promise that it has kept to this day despite constant attacks from rabid critics.

Instead, Marcos and his running-mate, Inday Sara, stepped up their call for unity among Filipinos as the country charts a path towards recovery from the pandemic. 

Marcos has appealed to everyone to join the 'Kilusan ng Pagkakaisa' as a means for Filipinos to commit themselves to nation-building.

Marcos and Inday Sara have always believed that achieving unity is the first step towards sustained economic recovery and progress.

The formidable tandem previously said they would continue some of the programs that the current Duterte administration has started, particularly the Build, Build, Build program. 

In addition, Marcos cited the need to push for a robust digital infrastructure that would allow the country to go through a digital shift and increase the efficiency of delivering government services to the people. 

He has also sought further support for MSMEs to help them recover from the pandemic.

Marcos is also a strong proponent of reviving the agriculture sector by focusing on research and development, financial support to farmers, supply chain, and distribution improvements for the entire sector.

Political analysts also noted that the UniTeam's survey numbers still have room to grow, especially when the official campaign period for local posts starts in March.

This period is expected to haul in more support for Marcos and Inday Sara as candidates from the coalition start their respective campaigns and promote the UniTeam slate in their respective bailiwicks.

The Laylo Research survey results validated Marcos’ front-runner position in the presidential race, clearly showing an upward trend observed from previous SWS, Pulse Asia, Publicus Asia, and Kalye surveys.

-30-

FILIPINO VERSION

63% ni Bongbong bandera sa Laylo Research survey; 46% ang layo sa kasunod na kandidato

PUMALO pa sa napakataas na 46% ang lamang ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. laban sa kanyang malayong karibal sa karerang pampanguluhan, ayon sa survey ng Laylo Research na isinagawa mula Pebrero 14 hanggang 21, 2022.

Ito'y matapos magtala si Marcos ng solidong 63% na voter preference mula sa 3,000 respondents sa survey.  Patunay na suportado ng mayorya ng mga Pilipino ang kanyang kandidatura, dahil 6 sa 10 botante ang pinili siya kumpara sa ibang kandidato.

Samantala, si Marcos ay namintene ang milya-milyang layo kay Leni Robredo, na nakakuha lamang ng 17%.

Tabla naman sa ikatlong puwesto na may tig-pitong porsyento sina  Isko Domagoso at Manny Pacquiao, na sinundan ni Sen. Ping Lacson na may tatlong porsyento.

Nangibabaw din si Marcos sa mga lugar na may malaking bilang ng mga botante matapos makakuha ng mataas na voter preference sa NCR-61%, North/Central Luzon-80%, South Luzon/Bicol-48%, Visayas 53%, at Mindanao na may 71%.

Kung titingnan rin ang voter preference kada rehiyon, makikitang suportado ng tinaguriang Solid North voting bloc si Marcos dahil sa taas ng mga nakuha niyang boto na 80% sa North/Central Luzon, 86% sa Cordillera Administrative Region (CAR), 91% sa Ilocos, at 98% sa Cagayan Valley.

Kabilang sa mga pangunahing dahilan kung bakit mas pinili ng mga respondent si Marcos kaysa sa iba pang mga kandidato ay ang kanyang natatanging karera sa serbisyo publiko, ang kanyang mga tagumpay bilang lokal na punong ehekutibo ng Ilocos Norte, at ang kanyang katalinuhan na nagpapakita ng malinaw na pagkaunawa sa mga isyu.

Ayon pa sa ilang eksperto sa pulitika, maituturing na 'teflon' candidate si Marcos Jr. dahil nananatiling mataas ang kanyang numero sa mga survey sa gitna ng walang humpay na batikos mula sa iba pang presidential bets.

Nauna nang sinabi ng UniTeam na hindi ito makikibahagi sa negatibong pangangampanya, isang pangako na tinutupad nito hanggang ngayon sa kabila ng patuloy na pag-atake ng mga kritiko.

Sa halip, pinaigting ni Marcos at ng kanyang running-mate na si Inday Sara ang kanilang panawagan para sa pagkakaisa ng mga Pilipino habang naghahanda  ang bansa upang makabangon mula sa pandemya.

Umapela rin si Marcos sa lahat na sumali sa 'Kilusan ng Pagkakaisa' bilang isang paraan para sa mga Pilipino na makibahagi sa pagpapatatag ng bansa.

Naniniwala rin sina Marcos at Inday Sara na ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga Pilipino ang unang hakbang tungo sa tuluyang pagbangon at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Nauna nang sinabi ng UniTeam na itutuloy nila ang ilang programang nasimulan na ng kasalukuyang administrasyong Duterte, partikular ang Build, Build, Build infrastructure program.

Dagdag pa rito, binanggit ni Marcos ang pangangailangang magkaroon ng matatag na digital infrastructure na magbibigay-daan sa digital shift ng bansa at gagawing episyente ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga tao.

Isinusulong rin niyang madagdagan ang suporta para sa mga micro, small at medium enterprises (MSMEs) upang matulungan silang mabilis na makabangon mula sa pandemya.

Isa rin si Marcos sa mga nagsusulong sa muling pagbuhay sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtutok sa pananaliksik at pagpapaunlad, suportang pinansyal sa mga magsasaka, pagsasaayos ng supply chain, at pagpapabuti ng pamamahagi ng mga produktong agrikultural.

Ayon rin sa mga political analyst, maaari pang umakyat ang numero ng UniTeam sa mga surveys lalo't nalalapit nang magsimula ang lokal na pangangampanya ngayong Marso.

Inaasahang tataas ang suporta kina Marcos at Inday Sara sa tulong ng mga lokal na kandidatong kabilang sa koalisyon na tutulong i-promote ang UniTeam slate sa kanilang mga lugar.

Patunay rin ang resulta ng Laylo Research survey na matibay ang pangunguna ni Marcos sa karerang pampanguluhan at mapapansin rin ang pataas ang kanyang mga numero base na rin sa mga naunang survey ng OCTA Research, SWS, Pulse Asia, Publicus Asia, at Kalye surveys.

- 30 -