BBM celebrates Labor Day with workers: ‘My priority is to protect the labor force’

1 May 2022

ADDRESSING problems hounding the labor sector, presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. assured that his top priority is to protect the labor force in the country as part of his programs to recover from the pandemic when elected in the May 9, 2022 national polls.

Marcos faced different sectors from the workforce in a Town Hall meeting in time of the Labor Day observance on Sunday at the Quezon City headquarters of the Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), the country’s largest alliance of labor federations with 1.2 million-strong members nationwide.

“When it comes to labor, my number one priority is to protect the labor force, doon natin unahin and from there magpo-flow na basta’t maayos ang ating pagtrato sa ating mga workers, I think the rest of all of the issues will flow from that,” Marcos, who was greeted with cheers and applause by the workers, said.

During the Town Hall meeting, Marcos and the labor force were able to tackle the problems and issues that lay siege to the sector and outlined his plans and programs to address them.

Marcos also expressed interest in making into a priority bill the Security of Tenure Act, which aims at amending the Labor Code to further protect workers’ rights by prohibiting labor-only contracting in the private sector.

“The Security of Tenure Bill that we hope to amend and rewrite at ayusin para mapasa na because kung ako eh palarin at ako ay nakaupo kung maganda naman ang version, pipirmahan ko naman talaga ‘yan,” Marcos noted.

While he supports the creation of a separate department for migrant workers, Marcos said all the other agencies that deal with the labor sector should be streamlined.

“The second opportunity that I think is the migrant workers (apart from the Security of Tenure Act), the Department of Migrant Workers. Kasi magiging mas maliwanag na ang duties ng Department of Migrant Workers, ililipat ‘yung OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), nandyan ‘yung DOLE, maliwanag na maliwanag para makapag-focus ng mabuti,” Marcos said.

Marcos insisted however that he will prioritize the protection of labor force for the country to recover from the pandemic and to move forward for a better economy.

“I think the best way to do is to make sure na kung ano ‘yung nasa batas, lahat ng benepisyo, lahat ng mga proteksyon na nasa batas patibayin natin ang pag-implement at pag-enforce,” Marcos averred.

“Ang talagang iniisip ko is how to protect the labor force because the labor force is always, sa lahat ng stakeholders sa negosyo parang nahuhuli kung minsan ang boses ng labor,“ he added.

Also present during the Town Hall meeting is TUCP president Raymond Mendoza who led the workers in the said meeting.

TUCP, the country's largest labor group, earlier endorsed the candidacy of Marcos and his running-mate Inday Sara Duterte in the upcoming May 9, 2022 national elections.

Mendoza said there was an overwhelming response from their 1.2 million-strong members to support the UniTeam tandem when they held a string of consultation meetings with TUCP members all over the country.

Founded in 1975 by 23 labor federations, it is currently the Philippines' largest alliance of labor federations. 

Most of its members come from major industries such as service, agriculture, and manufacturing from Luzon, Visayas, and Mindanao.

-30-

FILIPINO VERSION

BBM NAGDIWANG NG LABOR DAY KASAMA ANG MGA MANGGAGAWA: ‘MY PRIORITY IS TO PROTECT THE LABOR FORCE’

SINIGURO ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na prayoridad niya ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa bilang bahagi pa rin ng kanyang programa para makaahon ang bansa mula sa pandemya, sakaling manalo sa halalan ngayong Mayo 9.

Humarap si Marcos sa iba’t ibang sektor ng mga grupo ng manggagawa sa isang Town Hall Meeting na itinaon sa paggunita ng Labor Day nitong Linggo sa Quezon City headquarters ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang pinakamalaking alyansa ng mga labor federations na mayroong 1.2 milyong myembro sa buong bansa.

“When it comes to labor, my number one priority is to protect the labor force, doon natin unahin and from there magpo-flow na basta’t maayos ang ating pagtrato sa ating mga workers, I think the rest of all of the issues will flow from that,” ani Marcos, na sinalubong ng sigawan at palakpakan ng mga manggagawa.

Sa naturang Town Hall meeting, natalakay ni Marcos at ng mga labor group ang mga isyu at problema sa kanilang hanay kasabay din nang paglalatag ni Marcos ng kaniyang programa ukol sa paggawa.

Nagpahayag din ng interes si Marcos na gawing priority bill ang Security of Tenure Act, na naglalayong mag-amyenda sa Labor Code para ma-protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa.

“The Security of Tenure Bill that we hope to amend and rewrite at ayusin para mapasa na because kung ako eh palarin at ako ay nakaupo kung maganda naman ang version, pipirmahan ko naman talaga ‘yan,” sinabi ni Marcos.

Habang sinusuportahan niya ang paglikha nang hiwalay na departamento para sa mga migrant workers, sinabi ni Marcos na ang iba pang ahensya na may kaugnayan sa labor sector ay dapat ma-streamline.

“The second opportunity that I think is the migrant workers (bukod sa Security of Tenure Act), the Department of Migrant Workers. Kasi magiging mas maliwanag na ang duties ng Department of Migrant Workers, ililipat ‘yung OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), nandyan ‘yung DOLE, maliwanag na maliwanag para makapag-focus nang mabuti,” paliwanag ni Marcos.

Pero sa huli, iginiit ni Marcos na prayoridad niya ang pagbibigay ng proteksyon sa mga manggagawa para masigurong makababalik at makaaahon ang bansa mula sa pinsala ng pandemya.

“I think the best way to do is to make sure na kung ano ‘yung nasa batas, lahat ng benepisyo, lahat ng mga proteksyon na nasa batas patibayin natin ang pag-implement at pag-enforce,” giit ni Marcos.

“Ang talagang iniisip ko is how to protect the labor force because the labor force is always, sa lahat ng stakeholders sa negosyo parang nahuhuli kung minsan ang boses ng labor,“ dagdag niya.

Dumalo rin sa naturang Town Hall Meeting si TUCP president Raymond Mendoza na pinangunahan ang mga manggagawa sa naturang okasyon.

Nauna nang inendorso ng TUCP, ang pinakamalaking labor group sa bansa, si Marcos  at ang katambal nito na si Inday Sara Duterte sa darating na halalan sa Mayo 9.

Giit ni Mendoza, malakas ang panawagan ng kanilang 1.2 milyong miyembro sa buong bansa para suportahan ang UniTeam, sa serye ng konsultasyon sa kanilang mga miyembro.

Itinatag noong 1975 ng 23 labor federations, ang TUCP ngayon ang pinakamalaking alyansa ng mga labor federations sa buong bansa.

Karamihan sa mga miyembro nila ay mula sa mga major industry tulad ng service, agrikultura at manufacturing.

-30-