BBM brings hope, joy to Caviteños

12 February 2022

IN a clear display of genuine support, commitment and love, Caviteños were visibly overjoyed when they saw in person presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. during the 2nd leg of UniTeam caravan in the province on Friday.

The caravan started at Suntrust Ecotown, Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, where Marcos was joined by Cavite 7th District Representative Boying Remulla, his brother Governor Jonvic Remulla and other top officials of the province.

Shortly thereafter, huge crowds suddenly appeared from almost everywhere trying to catch a glimpse of Marcos, who in return tried mightily to acknowledge their support by waving, signing autographs and holding short chats while with them.

Initial crowd estimates showed that more than one million people waited for Marcos just to see and greet him aside from the occupants of thousands of vehicles who voluntarily joined the caravan.

His supporters shouted “BBM! Marcos pa rin!" while flashing peace sign that is the hand signal symbol of UniTeam.

Some supporters used tarpaulins and small flags to show their support while others simply waited for him along the streets to meet and greet him.

Imelda Martinez, who was riding her dilapidated bicycle, did not give up, tied the tarpaulin with Marcos' face to a bamboo stick and pedaled her way among the motorcycle riders.

“Bukod sa Imelda pangalan ko, mahal ko si BBM, naniniwala ako na siya lang ang may kakayahan na pamunuan ang bansa, ngayon pa lang ramdam ko na ito, solid BBM,” Imelda shouted as she tried to catch up with the caravan.

Large trucks and other vehicles also pressed their horns to accompany the people’s chorus -- “BBM! BBM!” -- while some used megaphones to announce their support for him, as some houses also prepared loud speakers and played the “Bagong Lipunan” song, which is UniTeam’s main campaign song.

Marcos’ group rested at the Bayleaf Hotel, Gen. Trias City where they had lunch and met with more than 20 (twenty) mayors and other relevant officials of the province.

It was in the said meeting where Gov. Remulla formally announced the province’s full support and endorsement of the candidacies of Marcos and his running-mate Inday Sara Duterte as well as their senatorial slate.

He pledged 100% of their support and the 800,000 votes of Caviteños to the BBM-Sara UniTeam.

At around one o'clock, the caravan returned on the road and roamed in other parts of Cavite, once more, where thousands of people were patiently waiting for him undaunted by the searing heat and deafening noise of passing vehicles that were blowing their horns as loud as they could.

“Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal ng tao kay BBM, natutuwa ako na sa kabila ng paninira ng iba sa kanya ang bait niya pa rin, ‘yan ang presidente ko, panalo na tayo, I love you BBM,” said one of the residents.

Lolo Rolly, who was in a wheelchair, also showed his household’s support when he came out of their abode to see and cheer for Marcos, as well as Ado who had his both legs amputated, was riding an improvised sled which was actually a piece of wood set on wheels, while repeatedly shouting BBM's name.

Until the end of the caravan the people did not stop cheering, they made sure they could see Marcos to express their support for him.

The caravan ended on NIA Road.

-30-

FILIPINO VERSION 

PAG-ASA, GALAK DALA NI BBM SA MGA CAVITEÑO

SOBRA ang saya na naramdaman ng mga Caviteño nang makita nila ng personal ang kanilang pambato na si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng caravan sa lalawigan nitong nakaraang Biyernes.

Nagsimula ang caravan sa Suntrust Ecotown, Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, kung saan unang binaybay ni Marcos kasama si Cavite 7th District Representative Boying Remulla at Governor Jonvic Remulla ang mahabang kalsada na nagdudugtong sa Brgy. Sahud Ulan papunta sa Brgy. Daang Amaya.

Habang tumatakbo ang sinasakyan ni Marcos ay kapansin-pansin na dumarami ang mga nag-aabang sa mga kalsada, panandalian nahinto ang mga ilang manggagawa sa kanilang ginagawa nang malaman na si Marcos ang nasa caravan.

At sa isang iglap ay bigla na lang nadagdagan ang bilang ng mga taong naghihintay sa bawat kalsada at kanto para lamang makita, makamayan at makunan ng larawan si Marcos, ang iba ay nagpa-autograph din.

Dumadagundong din ang hiyawan na “BBM! Marcos pa rin!” na may kasama pang peace sign na siyang simbolong hand signal ng UniTeam.

Kabila-kabila rin ang mga tarpaulin at mga maliliit na watawat na iwinawagayway ng mga Caviteño sa bawat lugar na nadaraanan ng caravan.

Si Imelda Martinez, sakay ng kanyang karag-karag na bisikleta ay hindi naman nagpahuli, tinali ang tarpaulin na may mukha ni Marcos sa isang kawayan at nakipagsabayan sa mga motorcycle rider.

“Bukod sa Imelda pangalan ko, mahal ko si BBM, naniniwala ako na siya lang ang may kakayahan na pamunuan ang bansa, ngayon pa lang ramdam ko na ito, solid BBM,” sigaw ni Imelda habang nagpapadyak.

Sumabay din sa sigawan ang mga malalaking truck at ibang sasakyan na nakatono ang kanilang pagbusina sa pagsigaw ng mga tao ng “BBM! BBM!” habang may mga naglabas din ng megaphone, ilang mga bahay din ang naghanda ng speaker sa kanilang harapan habang tumutugtog ang “Bagong Lipunan.”

Pansamantalang nagpahinga sa Bayleaf Hotel, sa Gen. Trias City ang kampo ni Marcos kasama ang ibang kalahok ng UniTeam, nagkaroon ng maikling salo-salo na dinaluhan ng mahigit 20 (dalawampung) alkalde at iba pang opisyal ng bawat lungsod sa Cavite.

Sa pagpupulong na iyon ay opisyal na ring inindorso ni Cavite Gov. Jonvic Remulla ang pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), nangakong 100 % ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam at ang 800,000 na boto ng mga Caviteño.

Pagdating ng bandang ala-una ay balik kalsada ang caravan at muling sinuyod ang ilang bahagi pa ng Cavite, hindi pa man nakakalayo sa Bayleaf Hotel ay dinumog na ng mga nagmamahal kay Marcos ang ilang daanan dahil sa sabik na masilayan ang kanilang future president.

Hindi nagpatinag sa init ng araw, hindi pinansin ang alikabok na hatid ng kalsada, nagbingi-bingihan sa ingay ng mga busina, iyan ang ilan sa mga binalewala ng mga taong (Caviteño) tunay na nagmamahal kay Apo Lakay (Marcos).

At dahil sa galak hindi naman napigilan ng ilang taga-suporta ang maiyak, habang

pinagmamasdan si Marcos.

“Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahal ng tao kay BBM, natutuwa ako na sa kabila ng paninira ng iba sa kanya ang bait niya pa rin, ‘yan ang presidente ko, panalo na tayo, I love you BBM,” wika ng isang residente.

Ibang klase ring suporta ang pinakita ni Lolo Rolly na naka-wheelchair na lumabas pa ng kanilang bahay para masilayan si Marcos, gano’n din si Ado na putol ang dalawang paa at nakasakay lamang sa isang kahoy na may gulong, todo hiyaw rin sa pangalan ni BBM. 

Hanggang sa dulo ng caravan ay hindi pa rin magkamayaw ang mga tao, sinigurado nila na makikita nila si Marcos para maipahayag ang suporta sa kanya.

Kung susumahin, higit-kumulang sa isang milyong tao ang naghintay at nag-abang kay Marcos, dagdag pa ang mga libong sasakyan na sumama sa caravan na kinabibilangan ng mga kotse, motorsiklo at bisikleta.

Nagtapos naman ang caravan sa NIA Road.

-30-