Bataan shows gratitude, showers UniTeam with solid support

18 March 2022

THE people of Bataan showed their full support for the UniTeam as they warmly welcomed presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos during his visit to the province on Thursday.

Everyone was cheering and excited when Bongbong arrived at the headquarters of the Partido Federal ng Pilipinas (PFP) in Pilar, where he led the opening ceremony.

“Maraming salamat sa inyong pagpunta,” he said to the supporters who were all running towards him to have a glimpse or a chance to have a photo taken with the PFP standard-bearer.

After the event, he started his almost one-hour caravan where thousands of supporters were waiting for him beside the streets and all too happy to see him while waving their banners and tarpaulins amidst the shouting, “BBM!” and “Bongbong may nanalo na!”

Before attending the grand rally, Marcos made a courtesy call at the Cathedral Shrine Parish of Saint Joseph to meet Bishop of Balanga Diocese Ruperto Cruz Santos.

Bishop Santos welcomed Bongbong, saying there is no competition at their church as they only want to do God’s command of providing love and care for everyone.

“Maraming salamat na kung saan ang pagpasok niyo dito ay pagkilala hindi sa tao kundi pagkilala sa Diyos. Ang pagpasok niyo dito ay pag-aalay sa Diyos mismo,” Bishop Santos said.

After his short courtesy call, Bongbong went to the jampacked Bataan People’s Center, where supporters were all wearing red and green, to signify their support for the UniTeam.

Bataan 1st District Representative Geraldine Roman recalled why the people of Bataan love and support the Marcoses.

She said the projects implemented by former President Ferdinand Marcos, like the Freeport Area of Bataan, Roman Superhighway, and Mt. Samat Shrine, have all been beneficial to them.

“Bataan is both Marcos and Duterte country. Hindi po namin kailangang umasa sa haka-haka o survey. Ito po ay napatunayan na nung nakaraang halalan,” Roman said.

“Hindi na ako nabubulag na minamahal kayo dito.  When I look at you and Inday, I vision a bright future for the country,” she added.

Before Bongbong’s speech, Gov. Albert Garcia introduced him as a leader who will unite the whole country.

“Buong probinsiya ng Bataan, winindang ni BBM- Sara UniTeam. Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong lahat talagang ang buong lalawigan ay lumabas para batiin ang ating bisita lalong-lalo na ang susunod nating pangulo ng republika,” Garcia said.

Garcia proudly said that Bataan province has the “tatak at bakas” (brand and mark) of Marcos.

“Kaya hindi nakapagtataka kung ang buong Bataan ay para kay Marcos. Nakita natin ito nung 2016 at sigurado po pagdating ng Mayo ipapakita muli ang suporta kay president at magiging pangulo po natin na si BBM,” he said.

Garcia added that the UniTeam message of unity resonates among the people of Bataan.

The people of Bataan gave Bongbong loud applause and shouts as he thanked them for not leaving him ever since.

“Salamat sa pag-alala sa lahat ng ginawa ng aking ama dito sa Bataan. Nagpapasalamat din ako sa inyo at napaka-init po ng pagsalubong niyo sa akin,” he said.

“Mula sa simula hanggang sa ngayon, ang Bataan ay hindi iniwan ang mga Marcos,” he added.

Marcos said the UniTeam will continue to go around the country to deliver their message of UniTeam, which he said will bring the country to a better and brighter future.

Bongbong also had a short meet and greet with the local mayors of Bataan and thanked them for giving support not only to him but to his entire slate.

“It’s a very important sign of what we are talking about -- the message of unity,” he said.

Last 2016, Marcos won by a huge margin in the province against his rival  Leni Robredo during their face-off for the vice presidency.

-  30 -

Presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. inspires cheers among his supporters in a UniTeam motorcade held in the Province of Bataan on Thursday.

FILIPINO VERSION

‘Tatak Marcos’ ibinida ng mga taga-Bataan

Mainit na pagsalubong ang muling natanggap ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos mula sa mga tagasuporta ng UniTeam sa kanyang pagbisita sa Lalawigan ng Bataan nitong nakaraang Huwebes.

Tilian at hiyawan ang lahat ng dumating si Bongbong sa headquarters ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) upang pasinayaan ang pagbubukas nito.

“Maraming salamat sa inyong pagpunta,” masaya niyang sabi sa mga  taga-suporta.

Agad naman siyang tumuloy sa kanyang caravan kung saan libo-libong taga-suporta ang masayang-masaya na makita siya.

Hawak ang kanilang mga tarpaulin at banner, sigaw nila ay “BBM!” at “Bongbong may nanalo na!”

Umabot ng mahigit isang oras ang caravan bago siya tumigil pansamantala sa Cathedral Shrine Parish of Saint Joseph upang magbigay galang at mabasbasan ni Bishop of Balanga Diocese Ruperto Cruz Santos.

Ayon kay Bishop Santos walang kompetisiyon at paglalaban-laban sa kanilang simbahan kung hindi pagbibigay lamang ng proteksiyon sa taumbayan gaya ng utos ng Diyos.

“Maraming salamat na kung saan ang pagpasok niyo dito ay pagkilala hindi sa tao kundi pagkilala sa Diyos. Ang pagpasok niyo dito ay pag-aalay sa Diyos mismo,” ayon kay Bishop Santos.

Matapos nito ay tumuloy na siya sa kanyang grand rally sa Bataan People’s Center na puno rin ng mga taga-suportang suot ang kulay ng UniTeam na pula at berde.

Inalala ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman ang mga proyekto na ibinigay ni former President Ferdinand Marcos na naging malaking tulong sa buong lalawigan, gaya ng Freeport Area of Bataan, Roman Superhighway, at Mt. Samat Shrine.

“Bataan is both Marcos and Duterte country. Hindi po namin kailangang umasa sa haka-haka o survey. Ito po ay napatunayan na nung nakaraang halalan,” sabi ni Roman.

“Hindi na ako nabubulag na minamahal kayo dito.  When I look at you and Inday, I vision a bright future for the country,” dagdag pa nito.

Bago ang talumpati ni Bongbong ay pinakilala siya ni Gob. Albert Garcia bilang isang lider na magbubuklod ng buong sambayanan.

“Buong probinsiya ng Bataan, winindang ni BBM-Sara UniTeam. Kaya maraming-maraming salamat po sa inyong lahat talagang ang buong lalawigan ay lumabas para batiin ang ating bisita lalong-lalo na ang susunod nating pangulo ng republika,” sabi ni Garcia.

Ayon kay Garcia, ang Bataan ay may “tatak at bakas” ng Marcos.

“Kaya hindi nakapagtataka kung ang buong Bataan ay para kay Marcos. Nakita natin ito nung 2016 at sigurado po pagdating ng Mayo ipapakita muli ang suporta kay president at magiging pangulo po natin na si BBM,” sabi ni Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, tumatagos sa puso ng mga taga-Bataan ang mensahe ng UniTeam na pagkakaisa.

Masigabong palakpakan at hiyawan ang inihandog ng mga taga-Bataan kay Bongbong kung saan nagpasalamat siya sa hindi pag-iwan ng mga ito sa kanya simula pa noon.

“Salamat sa pag-alala sa lahat ng ginawa ng aking ama dito sa Bataan. Nagpapasalamat din ako sa inyo at napaka-init po ng pagsalubong niyo sa akin,” wika nito.

“Mula sa simula hanggang sa ngayon, ang Bataan ay hindi iniwan ang mga Marcos,” dagdag pa niya.

Sabi ni Marcos, patuloy ang UniTeam sa pag-iikot sa buong bansa upang ipamalita ang mensahe ng pagkakaisa ng kanilang tambalang UniTeam.

Nagkaroon din ng maikling meet and greet si Bongbong sa mga lokal na alkalde ng Bataan kung saan pinasalamatan niya sila sa suportang kanilang binibigay para sa mga Pilipino.

“It’s a very important sign of what we are talking about -- the message of unity,” wika niya.

- 30 -