BARMM governors pledge to protect BBM’s votes; won’t allow cheating

12 April 2022

FULLY aware of the massive cheating that happened in 2016 elections that robbed presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos of the vice presidency, Mindanao governors on Sunday have vowed that they will not allow that he be deceived again in the coming May 9 elections.

This, as Sultan Kudarat Gov. Suharto Mangudadatu has called on all local officials who support Marcos not be complacent and protect the votes cast by their constituents and make sure that they were counted on May 9.

There are 2.1 million registered voters in BARMM and Mangudadatu predicted that Marcos can get 70% of the votes in the coming elections.

“Iyong ARMM region, now as known as ‘BARMM,’ginagamit sa mga pandadaya sa mga lugar eh. Wala pang eleksyon doon na hindi nagkaroon ng dayaan,” said Mangudadatu.

He said that in the coming days, many more local officials from Mindanao will also express support for Marcos' candidacy.

Mangudadatu added that Sulu Gov. Abdusakur M. Tan will also announce his full and solid support to BBM in the coming days.

“This is the right time na lumabas sa siya at magbigay ng suporta dahil magkaibigan naman talaga sila ni BBM,” said Mangudadatu.

Gov. Tan has 15 unopposed mayors running under him from the 19 municipalities in Sulu.

Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong had earlier expressed support for BBM along with Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali.

According to Mangudadatu, the coming presidential election is different from 2016 because President Duterte does not endorse any candidate, “so all local officials in Mindanao are free to give support to the candidates they want to help”.

“Noong 2016 talagang may pressure from (president) Noynoy Aquino at kahit mga PNP noon. Pero ngayon, hindi na sila makakaporma,” he added.

When asked about the issue of harassment by Muslim terrorists, Mangudadatu hoped that their intimidation would be reduced because even datus in Mindanao now support Marcos' candidacy.

“Nakikinig at nirerespeto nila (Muslim extremists) ang mga datu natin,” he said.

He also said that they are gradually introducing the correct message regarding the wrong view of some of their Muslim brothers against Martial Law declared by former President Ferdinand E. Marcos.

“Kasi ang messaging nga namin ngayon, kayo ngang taga-Manila meron kayong sariling Martial Law. Kami mayroon din, ngunit we opened our hearts and accepted BBM and we believe na siya lang ang pag-asa natin na mabago ang bansang Pilipinas,” he added.

Gov. Mangudadatu, along with his wife Bai Mariam who is now running as governor of Maguindanao were among 15 governors who met with Marcos last Sunday night at BBM Headquarters in Mandaluyong City.

Those who also met with BBM were Quirino Governor Dax Cua, Tarlac Gov. Susan Yap, Isabela Gov. Rodito Albano, Romblon Gov. Jose Riano, and Rizal Gov. Casimiro ‘Jun’ Ynares III.

Also with them were Misamis Occidental Gov. Philip Tan, Mindoro Occidental Gov. Eduardo Gadiano, Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel, Quezon Gov. Danilo Suarez, Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Mountain Province Gov. Bonifacio Lacwasan and Bohol Gov. Art Yap.

Previously, Marcos also met with 10 governors last April 2 at BBM Headquarters who also expressed support for his candidacy.

Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, who was at BBM HQ this Sunday said that 90% or 73 of the 81 governors in the country have already pledged to solidly support Marcos.

According to Singson, the support of the governors and mayors is a big thing because they have their own leaders in their respective provinces who will also serve as watchers during the counting of ballots.

“Kaya double time tayo. Double time sa kampanya at double time rin sa pagbabantay para hindi tayo madaya,” said Singson.

-30-

FILIPINO VERSION

BARMM GOVERNORS: HINDI KAMI PAPAYAG MADAYA ULIT SI BONGBONG MARCOS

HINDI na papayag ang mga governor na madaya pang muli si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa darating na halalan.

Ito ang sinabi ni Sultan Kudarat Gov.  Suharto Mangudadatu, kasabay ng pagbibigay-diin na hindi dapat magpakampante ang lahat ng local officials na sumusuporta kay Marcos upang bantayan ang boto sa darating na May 9 hanggang bilangan.

“Iyong ARMM region, now as known as ‘BARMM,’ginagamit sa mga pandadaya sa mga lugar eh. Wala pang eleksyon doon na hindi nagkaroon ng dayaan,” ani Mangudadatu.

Sinabi nitong sa mga darating na araw ay marami pa ang local officials mula sa Mindanao ang lulutang upang magpahayag ng suporta sa kandidatura ni Marcos.

Malaking bagay aniya ang paglutang ng mga local officials dahil sa kanila lamang din nakikinig ang mga botante.

Aniya, si Sulu Gov. Abdusakur M. Tan ay lalantad na rin sa publiko upang opisyal na ipahayag ang buo at solidong suporta sa standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).

“This is the right time na lumabas sa siya at magbigay ng suporta dahil magkaibigan naman talaga sila ni BBM,” ani Mangudadatu.

Malaking bagay ang gagawing paglantad ng mga governors sa Mindanao dahil ang mga mayor na kapanalig nito ang magsusulong ng kandidatura ni Marcos, bukod pa sa matiyak na hindi ito madadaya sa nalalapit na halalan.

Si Gov. Tan ay may 15 ‘unopposed mayors,’ mula sa 19 na munisipalidad na sakop nito sa Sulu.

Nauna na ring naglabas ng suporta si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong, samantalang bukod kay Tan ay inaasahan ding maglalabas ng kanyang pahayag ng suporta si Tawi-Tawi Gov. Ysmael Sali na malapit na kaalyado ng running-mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte.

Ang maganda ngayon, ayon kay Mangudadatu, walang ineendorsong kandidato ang Pangulong Duterte kaya malaya ang lahat ng lokal na opisyal sa Mindanao na magbigay ng suporta sa mga kandidatong nais nilang tulungan.

“Noong 2016 talagang may pressure from (president) Noynoy Aquino at kahit mga PNP noon. Pero ngayon, hindi na sila makakaporma,” sabi pa nito.

Aabot sa 2.1 million ang registered voters sa BARMM at sinabi mismo ni Mangudadatu na kayang makakuha ng 70% votes si Marcos sa darating na halalan na isa ring ‘command votes.’

Nang tanungin hinggil  isyu ng panggigipit ng mga teroristang Muslim, inaasahan ni Mangudadatu na mababawasan ang gagawing pananakot ng mga ito dahil kahit mga datu ngayon sa Mindanao ay suportado na rin ang kandidatura ni Marcos.

“Nakikinig at nirerespeto nila (Muslim extremists) ang mga datu natin,” sabi pa niya.

Unti-unti na rin aniya nila inaayos ang tamang mensahe hinggil sa maling pananaw ng ilang kapatid na Muslim laban sa Martial Law na idineklara ng ama ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr.

“Kasi ang messaging nga namin ngayon, kayo ngang taga-Manila meron kayong sariling Martial Law. Kami mayroon din, ngunit we opened our heart and accept BBM and we believe na sya lang ang pag-asa natin na mabago ang bansang Pilipinas,” sabi pa nito.

Si Gov. Mangudadatu, kasama ang asawang si Bai Mariam na tumatakbo ngayon bilang governor ng Maguindanao ay  kabilang sa 15 governors na nakipagpulong kay Marcos noong nagdaang Linggo ng gabi sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Sama-samang naghayag ng suporta kay Marcos sina Quirino Gov. Dax Cua, Tarlac Gov. Susan Yap, Isabela Gov. Rodito Albano, Romblon Gov. Jose Riano, Rizal Gov. Casimiro ‘Jun’ Ynares III, Misamis Occidental Gov. Philip Tan, Mindoro Occidental Gov. Eduardo Gadiano, Surigao del Sur Gov. Alexander Pimentel, Quezon Gov. Danilo Suarez, Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Mountain Province Gov. Bonifacio Lacwasan at Bohol Gov. Art Yap.

Bago nito, 10 governors din ang ka-meeting ni Marcos noong nakalipas na April 2 sa BBM Headquarters na unang naglabas ng suporta sa kanyang kandidatura.

Si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson, na nasa BBM HQ nitong Linggo ay nagpahayag na 90% o 73 sa 81 gobernador sa bansa ang solido nang nakasuporta kay Marcos.

Ayon kay Singson, malaking bagay ang suportang ito ng mga governors at mga mayors dahil sila ang may sari-sariling lider sa kani-kanilang probinsiya na magsisilbing bantay din para ngayong eleksiyon at bilangan.

“Kaya double time tayo. Double time sa kampanya at double time rin sa pagbabantay para hindi tayo madaya,” ani Singson.

-30-