Join the campaign (Learn More)

Balita : Marcos, may 5 days pang sumagot sa DQ case — Comelec

News & Interviews
19 November 2021

By Balita

Limang araw pa ang ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division sa kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. upang sumagot sa petisyon na nagpapakansela sa kanyang certificate of candidacy (COC).

Sa kanyang tweet nitong Huwebes, Nobyembre 18, binanggit ni Comelec spokesperson James Jimenez na hanggang Nobyembre 22 na lamang ang huling araw ng paghahain ng kasagutan ni Marcos.

“Getting word that COMELEC 2nd Div just now issued an extension in the cancellation case against former Senator Marcos,” aniya.

Nitong Nobyembre 2, naghain ng petisyon sina Fr. Christian Buenafe ng Task Force Detainees, Fides Lim ng Kapatid, Ma Edeliza Hernandez ng Medical Action Group, Celia Lagman Sevilla ng Families of Victims of Involuntary Disappearance, Roland Vibal ng PH Alliance of Human Rights, at Josephine Lasvano ng Balay Rehab Center at sinabing nagkaroon ng multiple false material representations sa inihaing COC ni Marcos.

Tinutulan din ng mga ito ang iniharap ni Marcos na “Motion for Extension of Time” upang makasagot ang huli sa summons na inilabas ng Comelec kaugnay ng petisyon.

Dhel Nazario