Join the campaign (Learn More)

Balita : BBM-Sara Uniteam, nangalap ng suporta sa Borongan City

News & Interviews
30 November 2021

By Balita

TACLOBAN CITY– Dumating na sa Borongan City Airport ang Uniteam tandem na sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Davao City Mayor Sara Duterte upang makakuha ng suporta sa kanilang kampanya nitong Martes, Nobyembre 30.

Nagsagawa ng motorcade ang Partido Federal ng Pilipinas presidential aspirant at Lakas–Christian Muslim Democrats Lakas–CMD vice presidential aspirant mula sa lungsod patungo sa San Juanico Bridge.

Sinamahan sila nina Majority Floor Leader and Leyte 1st Rep. Ferdinand Martin Romualdez at City Mayor Alfred Romualdez.

Nasa mahigit 70 riders ang inaasahan na magsama-sama para sa unity ride upang suportahan ang tandem.

Inaasahan din na magpapasinaya ang tandem sa kanilang punong tanggapan sa lungsod at makikipagpulong umano sa mga lokal na opisyal sa Samar at Leyte.

Marie Marticio