AMORANTO SPORTS COMPLEX TURNS INTO A SEA OF RED AND GREEN FOR THE UNITEAM

15 February 2022

The Amoranto Sports Complex in Quezon City turned into a sea of red and green on Monday as BBM-Sara UniTeam supporters filled up the main stadium and other areas in the complex for the proclamation rally organized for Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. and his running-mate, Davao City Mayor Sara Duterte.

The rally, organized by Partido Malayang Quezon City led by mayoralty aspirant Mike Defensor and vice-mayoralty aspirant Winnie Castelo, started at 1 pm but residents started arriving in droves even before the designated entrance gate of the complex was opened at 10 a.m.

“Dumating kami dito ng 8 am tapos maya-maya andami nang mga tao na naghihintay na makapasok. Nagsimula na kaming magpapasok ng 10 am kasi 1 pm nagsimula ang program. Ngayon nasa 25,000 na ‘yang mga tao dito sa loob pa lang ng stadium, marami pang nasa labas nitong stadium at nasa labas nitong complex. Gustong-gusto nilang makita si BBM,” an usher said.

A few minutes before Marcos was due to arrive at 6 pm, people outside the gates of the complex thought it was his car which was about to enter one of the gates, so they rushed up to the vehicle, eager to see him, only to find that it was an armored van.

Their excitement and eagerness to see him was at a high pitch when he finally arrived a few minutes later.

Their excitement was doubled when they saw that Marcos’ son Sandro was with him.

The people avidly listened to the members of the UniTeam’s senatorial slate who were already there before Marcos arrived and even to those whose video messages were shown on the screen

They even gamely danced with former Palace spokesperson Harry Roque when he asked them to dance with him before he gave his speech.

There were cries of elation when Castelo announced at the start of his speech that the Commission on Elections (Comelec) had already dismissed the consolidated disqualification cases filed against Marcos.

“Mabuti naman. Pinagdarasal ko nga na i-dismiss na mga ‘yun e,” a supporter seated behind the stage was heard saying to her companion.

There was also a very loud cheer when Castelo said, “Sinasabi nila na hindi nakikita si Bongbong Marcos kapag may kalamidad o sakuna pero sa Yolanda, sa SAF44, sa Marawi, sa Taal, sa Odette, at sa iba pa, nandun siya. Lagi nga siyang nangunguna.”

“Ang tunay na leader, nananalig sa Panginoon. Si Bongbong, nananalig sa Panginoon sa salita at sa gawa dahil ang pagtulong sa kapwa ay pananalig sa Diyos at ‘yan ay laging ginagawa ni Bongbong Marcos,” he continued, which also drew a resounding cheer from the crowd.

For his part, Defensor drew loud applause and cheers of support when he said, “Ngayong araw, ngayong gabi, sa pagdating ng susunod na Pangulo na si President Bongbong Marcos ay lumiliwanag na naman ang bukas ng Quezon City.”

When it was Marcos’ turn to give a speech, excited chanting of his nickname “BBM” drowned out his words several times as the crowd expressed their idolization.

Even after Marcos had already left the stage, hordes of supporters still stayed at the stadium as the Plethora Band rendered several songs, including the new version of the “Bagong Lipunan” patriotic anthem.

The OPM rock band earlier came up with the new version of the “Bagong Lipunan” song for free to show their support for BBM, which has become a hit song among UniTeam supporters.

Using a chair as a ledge, a male supporter even danced to the band’s songs while waving a stuffed toy tiger to show his support for Marcos, who is tagged as “Ang Tigre ng Norte.”

“Kahit matagal kaming maghintay basta makita namin si BBM, masaya kaming uuwi,” another supporter, meanwhile, said while going out of the gate.

-30-

 FILIPINO VERSION

AMORANTO SPORTS COMPLEX GINAWANG DAGAT NA PULA AT BERDE NG UNITEAM

NAGMISTULANG dagat ng pula at berde ang Amoranto Sports Complex sa Siyudad ng Quezon noong Lunes nang punuin ng BBM-Sara UniTeam supporters ang stadium hanggang sa kasuluksulukan ng complex para sa proclamation rally na inorganisa para sa pambato ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at kanyang running-mate, Davao City Mayor Sara Duterte.

Ang rally na inorganisa ng Partido Malayang Quezon City ay pinamumunuan nina mayoralty aspirant Mike Defensor at vice-mayoralty aspirant Winnie Castelo, ito ay nagsimula ala-una ng hapon, ngunit nasaksihan ang dagsa ng pulu-pulutong na mga tao bago pa man binuksan ang gate dakong alas-10 ng umaga.

"Dumating kami dito ng 8 am tapos maya-maya andami nang mga tao na naghihintay na makapasok, nagsimula na kaming magpapasok ng 10 am kasi 1 pm nagsimula ang program. Ngayon nasa 25,000 na ‘yang mga tao dito sa loob palang ‘yan ng stadium, marami pang nasa labas nitong stadium at nasa labas nitong complex. Gustong-gusto nila makita si BBM," pahayag ng isang usher.

Ilang sandali lang bago dumating si Marcos ng ala-sais ng gabi, inakala ng mga tao sa labas ng gate na dumating na ang dating senador dahil sa isang armored van na papasok sa complex kaya nagtakbuhan ang mga supporters para lamang makita si Marcos pero ikinalungkot nila na wala dun ang kanilang kampeon.

Kaya naman ‘yung pananabik nila at kagalakang makita ang pambato nilang presidente ay kanilang pinatunayan nang dumating na ito, sigawan at hiyawan ang salubong nila kay Marcos.

Naging doble pa ito nang makita rin nila na kasama ni Marcos ang kanyang anak na si Sandro.

Nakinig ng taimtim at maayos ang mga tao sa bawat pambatong senador ng UniTeam na una nang dumating, maging ‘yung mga nagbigay ng video messages.

Nakisayaw din sila sa dating spokesperson ng Palasyo na si Harry Roque nang yayain sila nito bago siya magsalita.

Habang may mga umiyak sa tuwa nang sinimulan ni Castelo ang talumpati nito sa pagsasabi na tuluyan nang ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang disqualification cases laban kay Marcos.

"Mabuti naman. Pinagdarasal ko nga na i-dismiss na mga 'yun eh," sabi ng isang supporter na nakaupo sa likod ng stage.

Naging malakas din ang hiyawan nang sinabi ni Castelo na, "Sinasabi nila na hindi nakikita si Bongbong Marcos kapag may kalamidad o sakuna pero sa Yolanda, sa SAF44, sa Marawi, sa Taal, sa Odette at sa iba pa, nandun siya. Lagi nga siyang nangunguna."

“Ang tunay na leader nananalig sa Panginoon. Si Bongbong, nananalig sa Panginoon sa salita at sa gawa dahil ang pagtulong sa kapwa ay pananalig sa Diyos at iyan ay laging ginagawa ni Bongbong Marcos," sabi pa niya, hiyawan ulit ang mga tao.

At nang si Defensor na ang nagsalita, palakpakan at may kasamang sigawan nang sabihin niya na, "Ngayong araw, ngayong gabi, sa pagdating ng susunod na Pangulo na si President Bongbong Marcos ay lumiliwanag na naman ang bukas ng Quezon City."

Nang si Marcos na ang nagsalita, makailang beses na nilunod ang kanyang talumpati dahil sa pananabik ng mga manonood na dinaan sa sigawan ng "BBM”, patunay na talagang mahal nila ang dating senador.

Kahit na umalis na sa stage si Marcos, marami pa rin sa mga supporters ang nanatili sa stadium habang ang Plethora Band ay kumanta ng maraming awitin, lalo na ang version nilang “Bagong Lipunan” na mistulang tinatrato ng madla na isang makabayang awit.

Nauna nang ginawa ng OPM rock band ang bagong bersyon nila ng “Bagong Lipunan” ng libre upang ipakita ang kanilang buong pusong suporta kay BBM, na ngayon ay sikat na sikat na awit na nga sa mga supporter ng UniTeam.

Ginamit naman ng isang lalaki ang isang lamesang tungtungan habang sumasayaw sa tugtog ng banda habang itinataas ang hawak niyang stuffed toy na tiger para ipakita ang kayang suporta kay Marcos na kilalang "Tigre ng Norte."

"Kahit matagal kaming maghintay basta makita namin si BBM, masaya kaming uuwi," sinabi ng isang supporter habang papalabas ng gate.

-30-