Join the campaign (Learn More)

Agila ng Bayan : NEXT ISYU PARA BUTASAN SI BBM, SIGE, HETO, NA AMPON LANG SIYA? GO AHEAD MGA FEELING SAKALAM

News & Interviews
5 November 2021

By Agila ng Bayan

Magandang araw sa inyo mga ka-Sampaguita, sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Kaliwa’t kana ang ipinupukol kay Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
HIndi na nakapagtataka. Kasi, alam ng kalaban na talagang malakas si BBM. Kaya, pinipilit nia itong batuhin ng putik. Naghahanap, nagkakalkal ng maaaring ibutas. Una na nga ang Oxford degree. Tsk! Hindi raw naka-graduate si BBM. ‘E anong problema run?

Hindi biro ang makapasok sa ganyang universidad. Kung mahina ang ulo ni BBM, makakapasa ba siya sa entrance examination dyan? Ito naman ngayon, yung petisyon ng ‘moral turpetide’. Kung saan, pinupukol ang tax evasion kuno ni BBM. Failure daw.

‘E base sa ating pananaliksik, yung patas ha! ‘e di naman convicted si BBM. ‘Ano ba ang tingin nila sa taumbayan? Mga ipinanganak kahapon?

Nasa 900- 2,000 libo lang ang di niya na settle. Nakapuntos ba? Tsk! Butata na naman. Heto na uli, uunahan na natin sila. Tiyak na may pasabog na naman ang mga kalaban.

Unahan na natin sila sa gagawin nilang isyu. Sa pagpapasabog ng black propaganda. Baka gawin nilang isyu yung ampon si BBM. Na yung totoong BBM ‘e deads na raw. ‘May isa ring tsismis na kinidnap daw. Sinong kumidnap, tung tikbalang na naka-high heels sa ilog?

Pati isyu kay Sen. Imee Marcos ‘e ikalkal din nila. Gawing pang-tirador. Kung talagang malakas ang kalaban, lalo na yung, alam nyo na!

Hindi dapat gumagawa ng ganitong isyu. Desperate move ‘yan. Kung naniniwala silang malakas sila kaysa kay BBM, walang dapat ipangamba. Kaso, ilusyon lang ng lahat.

‘Mga banat nyo’y walang kwenta, mga kwento nyo’y walang istorya! Adios Amorsekos.