ABS-CBN News : Marcos Jr. nagpaabot ng pagbati sa mga nanalong senador

By Joyce Balancio | ABS-CBN News

Nagpaabot ng pagbati si presumptive president Ferdinald "Bongbong" Marcos Jr. sa 12 senador na naiproklama ng Commission on Elections (Comelec) kamakailan lang.

Sa video blog ni Marcos Jr. sa YouTube, sinabi niyang ngayong tapos na ang eleksyon, dapat magtulungan ang bawat isa para sa mga dapat gawin para sa bansa.

"Gaya ng lagi naming sinasabi ni Vice President Inday Sara, wala nang kulay pulitika sa puntong ito at nakakasiguro kami na ang layunin naman ng lahat ng nahalal na senador ay para sa ikakaganda at ikabubuti ng ating bansa," sabi ni Marcos Jr.

"Kaya congratulations sa inyong lahat," bati pa niya.

Sa kakatapos lang na halalan, nanalo sina Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy T. Tulfo, Sherwin “Win” T. Gatchalian, Francis “Chiz” Escudero, Mark A. Villar, Alan Peter S. Cayetano, Juan Miguel “Migz” Joel J. Villanueva, JV Ejercito Estrada, Risa Hontiveros at Jinggoy Estrada.

Pito sa kanila ang tumakbo sa ilalim ng Uniteam senatorial slate nina Marcos-Duterte, habang nagiisa naman na nanalo mula sa oposisyon si Hontiveros.