ABS-CBN News : Bongbong Marcos nangakong ipapasa ang Anti-Endo Bill kung maaayos umano ito

By ABS-CBN News

Mga manggagawa ang kasama sa town hall meeting ni Partido Federal ng Pilipinas presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nangako siya na sakaling manalo, lalagdaan din niya ang Security of Tenure Bill o anti-endo bill kung maaayos umano ang mga probisyon na sanhi ng pag-veto dito ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpa-Patrol, Ina Reformina. TV Patrol, Linggo, 1 Mayo 2022.