Abante tnt : Matik sa milyong boto! Ilocandia solid kay Bongbong

News & Interviews
26 July 2021

By RP | Abante tnt

Paniguradong milyon-milyong boto agad ang makukuha ni dating Senador Bongbong Marcos dahil sa ilang vote-rich region sa bansa sakaling tumakbo itong Pangulo sa 2022.

Sa report ng Pilipino Mirror, nagkaroon ng pagtitipon ang aabot sa 50 kongresista at ilan pang politiko sa tahanan ni Senadora Imee Marcos.

Nilarawan ang umano’y ‘pre-SONA’ merienda na posibleng pag-amoy sa tsansa ni BBM na manalo sa pagka-Pangulo sa susunod na eleksyon.

Ayon sa isang mambabatas na hindi pinangalan, siguradong makukuha ni Bongbong ang block vote ng ‘solid North’ kung saan milyon-milyon ang boto mula sa Region I, III at ilang parte ng Region III.

“By default, our political culture in the Ilocandia is to always stick to an Ilocano bet in any national electoral post,” ayon sa kongresista.

Ayon pa sa isang kaalyado ni BBM, kumpiyansa umano sila sa tsansa ni Bongbong na maging susunod na Pangulo dahil ang hindi nito paglantad ng kanyang intensyon na tumakbo kaagad ay tipikal daw sa isang ‘seasoned politician’.

Sa survey ng PulseAsia na isinagawa noong Hunyo, nasa ikatlong puwesto si BBM, kasunod lamang ng top choice na si Davao City Mayor Sara Duterte at Manila Mayor Isko Moreno.