Join the campaign (Learn More)

Abante tnt : Marcos Jr. naka-isolate matapos makasalamuha 2 may Covid

News & Interviews
7 January 2022

By Sherrylou Nemis | Abante tnt

Naka-isolate ang presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong makasalamuha ang dalawang indibidwal na positibo sa COVID-19.

Ayon sa kaniyang spokesman na si Attorney Victor Rodriguez, una nang na-expose si Marcos sa kanyang chief security na nasa quarantine facility ngayon.

Sumunod naman ay nagkaroon din sila ng close contact ni Rodriguez, na nagpositibo rin sa Coronavirus.

“Bongbong Marcos was initially exposed to his chief security, who is confined in one of the isolation/quarantine facilities since last Tuesday and subsequently to me. I was tested yesterday morning and the result came out early today and I’m positive for COVID,” ani Rodriguez.

Dahil dito, hindi nakadalo si Marcos nitong Biyernes sa pagdinig sa tatlong disqualification cases laban sa kanya. (Sherrylou Nemis)