Join the campaign (Learn More)

Abante tnt : Marcos Jr. malayo agwat sa SWS survey

News & Interviews
15 November 2021

By MJD | Abante tnt

Malaki ang lamang ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang mga kalaban sa pagkapangulo base sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Oktubre 20-23, nakakuha si Marcos ng 47% boto ng mga respondente.

Pangalawa naman si Bise Presidente Leni Robredo (18%), sinundan nina Manila Mayor Isko Moreno (13%), Senador Manny Pacquiao (9%), Senador Panfilo Lacson (5%), at Senador Bato Dela Rosa (5%).

Si Dela Rosa ay matatandaang nitong Sabado lamang binawi ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.

Samantala, may 3% pa rin sa naturang survey ang undecided.

Hindi naman kasama sa listahan sa survey si labor leader Ka Leody De Guzman. (mjd)