Abante tnt : Mana sa tatay! Bongbong naadik sa gym

News & Interviews
13 September 2021

By IS | Abante tnt

Binunyag ni dating senador Bongbong Marcos na health freak ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Sinabi niya ito sa Sept. 13 vlog ni Toni Gonzaga.

Ani Bongbong, nahilig siya sa gym dahil sa impluwensiya ng kanyang ama, na dalawang beses sa isang araw kung mag-ehersisyo at sinasama sila nito.

Madalas daw mag-gym ang dating senador lalo na nang tamaan siya ng COVID-19.

“That’s what I do now just to stay fit especially after COVID. It’s my father’s influence. My father was… before the term was invented, he was a health freak and he would exercise at least an hour a day, sometimes twice a day,” aniya.

Pumanaw si dating Pangulong Marcos noong September 28, 1989 sa Hawaii sa edad na 72 dahil sa sakit sa bato, puso at baga.