By IS | Abante tnt
Para kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez, nararapat na ring pag-usapan ang halalan sa susunod na taon kahit mayroon pang coronavirus pandemic.
Pero aniya, ang dapat na pinag-uusapan ay kung ano-anong mga isyu ang nararapat pagtuunan ng pansin ng mga botante at hindi lamang ang hulaan kung sino-sino ang mga kandidatong tatakbo.
“Dapat pag-usapan na ang #VotePilipinas2022 – pero hindi para lang hulaan kung sino ang tatakbo o kung sino ang magkakampihan. Dapat ang pinaguusapan ngayon ay kung anu-anong mga isyu ang dapat pagtuonan ng pansin ng mga botante,” reaksyon ni Jimenez nitong Lunes sa pa-survey ng DZBB kung dapat na ba o huwag munang pag-usapan ang eleksyon 2022?
Sa Mayo 9, 2022 ang darating na eleksyon sa Pilipinas kung saan kabilang sa pagbobotohan ang papalit kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.