Abante tnt - Comelec praktis ng online voting sa mga OFW

News & Interviews
5 February 2021

By IS | Abante tnt

Magsasagawa ng “online voting experiment” sa mga OFW ang Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, na ito ay upang makita kung mas marami ang mahihikayat na bumoto na mga OFW kung gagawin ito online.

Sa ngayon ay naghahanap pa raw sila ng mga sasalang sa online voting dry run na maaaring simulan sa Marso o Abril.

“Mag-o-online voting experiment po tayo kasi gusto natin makapag-present ng data sa Congress to show that overseas online voting is doable and it is secure,” sambit ni Jimenez sa panayam sa telebisyon.

“Ang lagi kasing reklamo, ang laki-laki ng ginagastos, ang liit-liit ng turn out,” dagdag niya.

Sa 1.65 milyon kasing rehistradong OFW voter, 300,000 lamang ang bumoto sa 2019 midterm elections, ayon sa Comelec sa pagdinig sa Senado ng kanilang budget noong nakaraang taon.