Abante News : PH relasyon sa Singapore, UK, France, EU palalakasin: Bongbong, mga envoy nagkasundo

By Abante News

Bahagyang tinalakay ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa envoy ng Singapore, United Kingdom, France at European Union ang pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas sa kani-kanilang bansa.

Dumating si Gerard Ho, Singapore ambassador to the Philippines sa BBM headquarters sa Mandaluyong City.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Ho na magpapatuloy ang paglago ng relasyon ng Pilipinas at Singapore.

“We see a lot of growth potential in the Philippines and we hope to see more and more Singapore companies coming into the Philippines’ market,” sabi pa ni Ho.

Kinumpirma rin ni Ho na inimbita ni Singapore President Halimah Yacob si Marcos sa kanilang bansa.

Si Ho ay sinundan ni United Kingdom Ambassador Laure Beaufils.

Napag-usapan din umano nina Beauflis at Marcos ang tungkol sa climate change, energy, peace process sa Mindanao, human rights at media freedom.

Dumating din si European Union Ambassador Luc Vèron na sinundan ni Ambassador Michelle Boccoz ng France makalipas ang isang oras. (Billy Begas)