Abante News : P20K per kilong bigas kaya ng mga magsasaka

By Abante News

Kaya umanong maibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas gaya ng hangad ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kung pagkakatiwalaan ang mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat kailangan ng mga lokal na magsasaka ng suporta mula sa gobyerno gaya ng ginagawa ng ibang bansa para maparami ang kanilang ani.

Dapat din umanong tingnan ang mga modelo na magpaparami sa ani gaya ng mega farm concept ng Department of Agrarian Reforms (DAR) at Provincial Food Council ng Nueva Ecija.

“Magtiwala tayo sa sarili nating mga magsasaka na kaya namang mag-produce ng sapat, mura at de-kalidad na bigas at bilihin para sa bawat Pilipino,” dagdag pa ng solon. (Billy Begas/Eralyn Prado)