Abante News :Nigeria aalalay sa PH vs oil price hike

18 June 2022

By Abante News

Tutulungan ng Nigeria ang Pilipinas sa langis at natural gas sources sa gitna ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni Ambassador to the Philippines Folakemi Ibidunni Akileye, na ilan sa kanilang mahahalagang natalakay sa kanyang courtesy call kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay may kinalaman sa agrikultura, teknolohiya at natural gas.

Ang Nigeria ay pang- 12 “largest oil producer ” sa buong mundo. Sinabi din ni Akileye na ang nasabing bansa ay pangatlong `largest source’ ng natural gas sa buong mundo na maaaring gamitin bilang energy source.

Kasabay nito ay tiniyak ng Nigeria ang kanilang commitment sa pagtulong na ma-stabilize o patatagin

“I actually mentioned it to the president-elect as well. Nigeria is the number 12 oil producer in the world so we can help,” ang pahayag ni Akileye.