Join the campaign (Learn More)

Abante News : Marcos Jr ibinahagi ang plano para sa MSMEs, paglago ng ekonomiya sa ilalim ng Marcos presidency

News & Interviews
3 December 2021

By Abante News

Ang pagharap ni presidential aspirant at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s bilang tampok na kandidato sa “Kandidatalks” series ng Go Negosyo ay nakaabot sa mahigit isang milyong katao at nakakuha ng 379,000 kabuuang views nang ipalabas ito sa Facebook page ng Go Negosyo noong ika-1 ng Disyembre.

Sa nasabing programa, ibinahagi ni Marcos ang kanyang mga plano kapag siya ay naging susunod naP angulo ng Pilipinas. Kabilang dito ang pag-rationalize sa buwis at paglalaan ng mga bahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) sa micro, small, medium enterprises (MSMEs), pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at transportasyon at pagpapatuloy ng “Build Build Build” program ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Marcos namahalaga ang tulong nabigay ng MSMEs para makabangon ang bansa mula sa pandemya.

“People need jobs, and the biggest bang for our buck are the MSMEs,” wika niya, sa pagsasabing ang epekto ng pagtulong sa MSMEs ay agad mararamdaman kahit na ng malalaking korporasyon.

“Most people are willing to become entrepreneurs, but we [now] find MSMEs in a difficult situation,” wika pa niya, sa pagsasabing karamihan sa mga ito ay baon na sa utang.

“If we have ayuda for individuals, we should have ayuda for MSMEs.”

Sinabi rin ni Marcos na dapat ding ikonsidera ng gobyerno ang pagbibigay ng tax amnesty sa MSMEs na naapektuhan ng pandemya at i-rationalize ang istraktura ng pagbubuwis a maliliit na negosyo.

Naniniwala siya na makakahikayat ito sa kanila na sumunod sa mga requirements sa buwis at pataasin ang kanilang credit rating. Dagdag pa rito, dapat hindi patawan ng VAT ang produkto ng MSMEs, tulad ng mga kooperatiba na kumikita ng P10 milyon o mas mababa.

Naniniwala rin si Marcos na maaaring gamitin ang bahagi ng IRA ng mga lokal na pamahalaan para tulungan ang mga MSMEs, lalo pa’t madadagdan na ang kanilang alokasyon sa ilalim ng Mandanas ruling. Sinabi pa niya na ang mga organisasyon gaya ng Go Negosyo ay makatutulong kung maaasahan ba ang business plan ng mga MSMEs.

“They have the capacity from the added IRA, now the capability and training has to go into that” wikani Marcos, na nag sabi pang ang pag papaunlad sa maliliit na negosyo ay dapat magsimula sa mga lugar na mababa ang bilang ng kaso ng COVID at mataas ang vaccination rate.

Nang tanungin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion kung alin sa mga programa ng kanyang ama ang nais niyang ipagpatuloy, sagot ni Marcos ay:

“The most important thing is the sense of nationhood that we felt when he was President,” sa pagsasabi ng sa panahon ng kanyang ama, ang pagkakaroon ng kaalaman sa kultura at pagiging mulat ang nagsilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Sa nasabing forum, tinanongsi Marcos ng isang nangungunang negosyante ukol sa kanyang plano pagdating sa pagpapalago ng produksiyon sa sektor ng agrikultura.

“One of the first things we felt during COVID was the food supply problem,” wika ni Marcos.

“It showed the weaknesses in our agricultural system.” Bilang pagpapaalala sa “Masagana 99” program ng kanyang ama, sinabi niya ang pagkilos ng bansa ay dapat higit pa sa pagtatanim ng palay, ngunit dapat umabot sa R&D at suporta sa mg amagsasaka sa pamamagitan ng loan at access sa agricultural inputs. Aniya, dapat mag-mechanize na ang sektor ng agrikultura para mapababa ang production cost at dapat lumaki ang mga maliliit na sakahan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming kooperatiba.

Idinagdag pa niya na dapat magkaroon ang bansa ng istratehikong supply ng bigas at hindi lang dapat maging importer.

“This was what NFA used to do: stabilize market prices of commodities and keep prices at a level where farmers can still earn,” wikani Marcos. Ayon sakanya, ang ilang pagkilos ng gobyerno gaya ng Food Terminal Inc. at Kadiwa stores ay matagumpay dahil isinama niyo ang solusyon sa pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura.

Kailangan ding paunlarin ang iba pang aspeto ng agrikultura, gaya ng high value crops, livestock at pangisdaan. “An accompanying program to Masagana 99 was the provision of bancas to fishermen … We need to update that and have bigger and better equipment for our fishermen,” wika pa niya.

“Agriculture is a critical element of the socioeconomic structure; it is the foundation. We cannot build industrialization unless we have a strong agricultural foundation,” dagdag pa niya.

Para kay Marcos, krusyal din ang imprastraktura. Aniya, walang pangmatagalang solusyon sa agrikultura ang magtatagumpay kung walang dam, nanagsisilbing irigasyon at flood control, ngayong mayroong climate change. Nais din niyangipagpatuloy ang “Build Build Build” program kung saan isasama niya ang mga imprastrakturang may kinalaman sa digital at kuryente. Itinuro ni Marcos ang kawalan ng tinatawag na capital-intensive investments sa bansa dahil sa mataas napresyo ng kuryente. Kaya naman iginii tniya na dapat magkaroon ng mas maraming renewable energy.

Nais din ni Marcos napaunlarin ang transport at logistics system ng bansa dahil mahalaga ito kapag nagsimula nang bumabgon ang ekonomiya at tumaas ang demand. Aniya, dahil sa pandemya, lumabas ang kahinaan ng supply line ng bansa, gaya ng lumitaw na hamon sa paghahanap ng cold storage para sa mga bakuna at paghahatid ng mga produkto noong lockdown.

Nakatuon ang “Kandidatalks” series sa kung ano ang naghihintay sa mga MSMEs ng bansa sa darating na halalan.

Tumatayong host sina Betong Sumaya at Love Añover, kasama si Go Negosyo Senior Adviser Josephine Romero. Para makapanood ng “Kandidatalks”, i-like lang ang Go Negosyo page sa Facebook, at panoorin ang Facebook Live streaming ng “Kandidatalks” tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes alas-6 ng gabi.