Abante News : Marcos inimbitahan mag-state visit sa Singapore

By Abante News

Inimbitahan ni Singaporean President Halimah Yacob si presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na magsagawa ng state visit sa kanilang bansa.

Ipinahatid ang paanyaya kay Marcos sa pamamagitan ng isang sulat na ipinost sa website ng foreign ministry ng Singapore.

Layon umano nito na mapalakas pa ang ugna­yan ng Pilipinas at Singapore sa ilalim ng liderato ni Marcos.

Sinabi ni Yacob na nais din niyang tumbasan ang mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga Pilipino nang magtungo siya sa bansa para sa isang state visit noong 2019.

Bukod kay Yacob, nagpaabot din ng pagbati kay Marcos si Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kung saan tiniyak niya na suportado ng kanilang bansa ang liderato at vision ni Marcos para sa Pilipinas.