Abante News : Kakampink concert wa epek: Robredo lagapak sa trust rating

12 March 2022

By Abante News

Bagsak at patuloy pa rin umanong bigo ang kampo ni Vice President Leni Robredo na mapaangat ang trust rating nito para sa ambisyon niya na maging susunod na pangulo ng bansa.

Batay sa mga isinagawang survey ng iba’t ibang pribadong kompanya at research group simula pa noong nakaraang taon, hindi umano nangyari kahit na isang beses na nakaungos man lang si Robredo laban kay dating senador Ferdinand Marcos Jr.

Sa katunayan, lagi umanong semplang si Robredo sa mga survey at halos kumain ito ng alikabok sa milya-milyang distansya ng ratings ni Marcos at iba pang kandidato.

Hindi rin umano nakatulong ang mga gimik na inilunsad ng kanyang mga Kakampink tulad ng mga libreng concert na dinaluhan pa ng ilang artistang supporter ni Robredo para umabante man lang ito sa mga survey.

Sa halip na makadagdag ng simpatiya ay mas binatikos din umano ang lantarang pagkampi kay Robredo ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika, dahilan para madismaya at ihayag ng maraming Katoliko na hindi na sila magtutungo sa mga simbahan para magdasal at makinig ng Misa.