Join the campaign (Learn More)

Abante News : Info drive sa bakuna rollout paigtingin -Marcos

News & Interviews
17 October 2021

By Abante News

Hinimok ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pamahalaan na magsagawa ng mas marami at malawakang information campaign drive hinggil sa isinasagawa nilang vaccination program kontra COVID-19, upang mabigyan ng kasiguruhan ang mga magulang hinggil sa kaligtasan ng mga ito para sa kanilang mga anak.

Ang pahayag ay ginawa ni Marcos, kasunod nang pagsisimula na ng Department of Health (DOH) sa pagbabakuna laban sa COVID-19 ng mga teenagers na nasa 12-17 age group noong Oktubre 15.

“Yung information drive na kailangan gawin ng ating pamahalaan ay dapat maipaliwanag ulit na yung bakuna ay kailangan na kailangan natin at yung mga binibigay na vaccine ay lahat safe,” ayon pa kay Marcos.

Tinukoy pa ni Marcos ang Dengvaxia incident na naging isa sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng vaccine hesitancy sa mga magulang.

nakatanggap niyan. Napakaliit na numero lang ang nagkaroon ng side effect kaya malaking malaking advantage ang magpabakuna,” dagdag pa niya.

Matatandaang nitong Oktubre 15 ay sinimulan na ng DOH ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga kabataang nasa 12-17 taong gulang.