Abante News : BBM higit 15M na agwat kay Leni

By Abante News

Pumalo na sa mahigit 30 milyon ang boto kay presidential candidate Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr., ayon sa partial and unofficial elections results ng Comelec Transparency Media Server dakong alas-4:17 nang madaling araw ngayong Martes, Mayo 10.

Base sa datos, nasa 30,015,540 o higit 15 milyon na ang agwat ng boto para kay Marcos mula sa pumapangalawa sa kanya na si Vice President Leni Robredo na mayroong 14,309,524 boto.

Pangatlo pa rin si Senador Manny Pacquiao na nasa 3,412,075 ang boto habang pang-apat si Manila Mayor Isko Moreno na umabot na sa 1,830,044 ang boto.

Nasa pang-lima naman si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na may 860,012 boto.