Abante News : 3 araw na gun ban sa Bongbong inagurasyon NEWS

17 June 2022

By Abante News

Magpapatupad ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng tatlong araw na gun ban sa Maynila at Pasay City para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na idaraos sa Hunyo 30.

Mula alas-sais ng umaga ng Hunyo 27 hanggang alas-sais ng umaga ng Hulyo 1 ipatutupad ang gun ban.

Ipagbabawal din ang pagdala ng back pack sa lahat ng `VIP engagement areas; upang madaling mamonitor ang posibleng banta sa seguridad.

o ay magpapatupad din ng no backpack policies sa lahat ng VIP engagement areas upang madaling mamonitor ang posibleng banta sa seguridad.

Hindi rin papayagan na magpalipad ng drone sa isang kilometrong radius ng National Museum kung saan gaganapin ang panunumpa ni Marcos bilang bagong pangulo ng Pilipinas. (Betchai Julian)