Join the campaign (Learn More)

Abante : Marcos nangibabaw na presidential bet sa Mindanao survey

News & Interviews
31 October 2021

By Abante

NANGUNA sa Mindanao si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa pinakabagong ipinalabas na datos Kalye Survey na isinagawa ng grupo ng mga vloggers sa iba’t ibang lalawigan sa Southern region.

Sa pinakabagong resulta ng Kalye Surveys na isinagawa ng Bugwak TV sa Butuan City, Gingoog, Misamis Oriental, at Surigao City, nakakuha ng mataas na puntos nang pagsang-ayon mula sa working class ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer bilang ibobotong Pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Nilibot ng Bugwak vloggers ang mga lansangan, matataong lugar tulad ng palengke, bus terminal at pasyalan kung saan ipinakita ang mga larawan ng mga kandidato sa Pagkapangulo at tinanong ang mga indibidwal kung sino ang pipiliin nila para ibotong susunod na Pangulo ng bansa.

“Pinaka-da Best sa pagka-presidente ng ating nasyon si Bongbong. Kwalipikado,” pahayag ng isang natanong mga kawani ng gobyerno.

“Lahat kami dito, Bongbong. Wala ng iba, Bongbong lang,” ayon naman sa isang security guard na nakatalaga sa ilang pamilihan.

“May klarong programa, di lang para sa bayan niya kundi sa buong Pilipinas. May political will. Siya ang pinaka-qualified, hindi lang pansariling interest ang iniisip niya,” pahayag ng isang tricyle driver mula sa Gingoog.

Natatanging misyon ni Marcos ang magkaroon nang mapagkaisang lider ang bansa upang gabayan ang pagbangon ng bansa mula sa kasalukuyang suliranin hanggang sa post-COVID-19 kung saan kinakailangan ang pagtutulungan ng bawat isa kasama ang isang lider na may malasakit at kaalaman para sa pagbuo ng programa na magiging solusyon sa hapis ng bawat Pilipino.

Ayon sa kampo ni Marcos, ang resulta ng Kalye survey ay nagpapatibay at pagpapatunay sa resulta ng isinagawang Presidential Preference Survey ng PUBLiCUS Asia Inc. kamakailan kung saan nakakuha si Marcos ng mataas na 62.5 porsiyento ng boto mula sa respondents sa Mindanao.