Join the campaign (Learn More)

Abante : Comelec pinayagan ng IATF praktisin ang botohan

News & Interviews
15 October 2021

By Abante

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng Commission on Elections (Comelec) na makapagsagawa ng voting dry run para sa halalan sa 2022.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na binigyan ng go signal ang Comelec para gawin ang dry run sa San Juan City sa Oktubre 23, 2021.

Layon ng voting dry run na mapaghandaan ang gagawing halalan sa susunod na taon sa harap ng pandemyang kinakaharap ng bansa bunga ng COVID-19 para matiyak na masusunod ang mga health protocol sa mismong araw ng eleksiyon.

Sinabi pa ni Roque sa inilabas na pahayag nito kahapon na inaprubahan ang voting dry run sa ika-144 na pulong ng IATF batay na rin sa kahilingan ng Comelec. (Prince Golez)